Advertisers
IPINATUPAD na ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa Alert Level 4 ang lahat ng lugar sa Ukraine.
Ang naturang hakbang ay ipinatupad dahil sa mabilis na pag-deteriorate ng sitwasyon sa Ukraine.
Nangangahulugan ito na magpapatupad na ang DFA ng mandatory repatriation sa natitirang mga Pilipino sa Ukraine.
Sa ilalim kasi ng Crisis Alert Level 4, obligado ang pamahalaan ng Pilipinas na ilikas ang mga Pinoy sa mga lugar na may krisis.
Pahayag ng DFA, ang mga naiwang Pilipino sa Ukraine ay aalalayan ng Philippine Embassy sa Poland at ng Rapid Response Team para sa repatriation at relocation. (Vanz Fernandez)