Advertisers
MAGPAPATUPAD ng pagtaas sa presyo ng produktong petrolyo simula ngayong araw, Marso 8.
Ito na ang ika-sampung sunod na taas-presyo ng produktong petrolyo sa bansa.
Magtataas ang ilang kompanya ng langis ng P3.60 sa kada litro ng gasolina habang P5.85 naman sa diesel, at P4.10 sa kerosene.
Ipapatupad ng Caltex ang taas-presyo epektibo alas-dose ng hatinggabi; habang ang Shell, Seaoil, Jetti Petroleum at Petro Gazz naman ay ngayong Martes alas-6 ng umaga; at ang Cleanfuel ay alas-4 ng hapon.
Dahil dito ay inaasahang maglalaro na sa P65 hanggang P88 ang kada litro ng gasolina sa Metro Manila habang P55 hanggang P65 naman sa diesel.
Nauna nang sinabi ng pamahalaan na nakatakda itong mamahagi ng ayudang fuel cards sa mga tsuper ng mga pampublikong sasakyan, delivery rider, at sa sektor ng agrikultura.
Samantala, bagama’t patuloy ang taas-presyo sa produktong petrolyo ay tiniyak naman ng Department of Energy (DOE) na walang problema sa supply ng langis na ipinapasok sa bansa.