Advertisers

Advertisers

Ilang senador pabor sa mungkahi ni PDu30 sa pagrebyu sa Oil Deregulation Law

0 340

Advertisers

PINABORAN ng ilang senador sa oposisyon ang pagrebyu sa Oil Deregulation Law, na isang hakbang na iminungkahi ni Pangulong Rodrigo Duterte sa gitna ng tuloy-tuloy na pagtaas ng presyo ng langis.

Ayon kay Senador Risa Hontiveros, sa halip na i-revisit ang Oil Price Stabilization Fund ay dapat maamyendahan na lamang ang Oil Deregulation Law.

Giit ng senadora na panahon na para makabuo ng batas na mas proactive at pro-Filipino na oil regulation law.



Sa pamamagitan nito, sinabi ni Hontiveros na kahit tumaas ang presyo ng langis sa international market na hindi na kontrolado ng bansa, ay makatatanggap pa rin ng proteksyon ang mga Pilipino.

Muli rin iginiit ng senadora na tutol ito sa excise taxes na ipinapataw ng gobyerno sa ilalim ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion Law (TRAIN Law).

Iginiit niya na dapat ay suspindehin ang excise tax bilang paraan ng humanitarianism sa mga konsyumers at drivers.

“Sobrang mabigat ang magiging epekto nito sa ating mga kababayan – sa ating mga drayber, mga mangingisda, maliliit na negosyante, at maging sa ating konsyumer ng kuryente lalo na sa mga off-grid islands na gumagamit ng diesel para sa mga generation power plants,” sabi ni Hontiveros.

“Matagal na nating pinapasan ang bigat ng ipinataw na excise tax sa produktong petrolyo sa ilalim ng TRAIN Law. Mula P2.50 na excise tax kada litro ng gasolina noong 2018 ay umaabot ng hanggang P10/liter simula noong nakaraang taon. At sa bawat pagtaas pa ng presyo nito ngayon ay may katumbas din na pagtaas sa sinisingil na tax,” paliwanag pa niya.



Maaari rin aniya magamit ang mga nakolekta na revenues sa mga nakalipas na taon para saluhin muna ang gobyerno sa operational cost ng transportasyon at delivery services. (Mylene Alfonso)