Advertisers

Advertisers

Konsehal nakatakas, misis huli sa drug ops

0 182

Advertisers

Arestado ang isang dating LGU employee sa isinagawang anti-drug operation sa Maguindanao

Kinilala ng PDEA Maguindanao Provincial Office ang naarestong ginang na si Raquel Tasil Manibpel alyas Raquel, 31 anyos, dating empleyado ng LGU Talitay; habang nakatakas ang mister nitong si incumbent town councilor Suwaib Manibpel sa ikinasang anti-drug operation ng mga otoridad nitong Sabado.

Ayon sa ulat ng PDEA Maguindanao, ang babaeng suspek lamang ang naabutan ng operatiba sa kanilang tahanan sa Lower Taviran, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao nang isilbi ang warrant of arrest sa kasong may kinalaman sa iligal na droga.



Ayon sa PDEA, ang nakatakas nitong mister   aktibong miyembro ng isang local drug group na nag-o-operate sa bayan ng Talitay.

Magkatuwang na isinagawa ang operasyon ng PDEA-BARMM, 6IB ng Philippine Army, NBI-BARMM at and Maguindanao Provincial Police Office.