Advertisers
TUMAAS pa lalo ang outstanding debt ng national government.
Batay sa Bureau of Treasury (BTR), hanggang noong katapusan ng Pebrero ay pumalo sa P12.09 trillion ang utang ng Pilipinas.
Ito ay mas mataas ng bahagya kumpara sa P12.03 trillion record noong Enero ng kasalukuyang taon.
Sinabi pa ng BTR, tumaas ang utang ng Pilipinas noong nakaraang buwan dahil sa humina ang halaga ng piso kontra dolyar.