Advertisers

Advertisers

GOBYERNONG GALING SA TAO, IBIBIGAY KO SA INYO: YORME ISKO

0 257

Advertisers

SIMPLE, gobyernong tunay na maglilingkod sa tao!

Gobyernong walang kulay, administrasyong tatapos sa away ng mga politikong Pula at Dilaw (Pinklawan).

Ang pangakong ito ni Manila Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso ang umakit sa mahigit na 20,000 tao na masayang isinigaw ang pangalan niya sa ginanap na ‘Ishagit Mo, Isko’ (Isigaw Mo, Isko) grand concert-rally, Lunes (Abril 18) ng gabi sa Butuan City.



Kahit walang sikat na lokal na entertainer at may banta ng malakas na ulan, umapaw sa dami ng nagtipong tao ang paligid ng Guingona Park sa siyudad.

Napuno ng ‘Yorme! Yorme Isko! Yorme!,’ ‘Isko! Presidente Isko!’ ang parke nang dumating ang 47-anyos na kandidatong pangulo ng Aksyon Demokratiko, bandang 8:30 ng gabi.

Pinaramdam ni Yorme Isko ang kasiyahan sa napakainit na pagtanggap sa kanya, na sinabi: “Pag ganito ang audience, parang at home ako. Ito ang tunay na buhay ng ordinaryong Pilipino.”

Kung mananalo siya, “Wakang kulay. Hindi pula, hindi Dilaw” ang kanyang administrasyon, sabi ni Yorme Isko.

“Simpleng gobyerno, ‘yun mararamdaman nyo, isang gobyernong tunay na maglilingkod sa inyo ang ibibigay ko, ang mararanasan nyo,” sabi ni Isko — na kasunod ang malakas na sigaw na ‘Yorme, Mayor Isko!’, Presidente Isko,’ ng mga tao.



Ipinaalaala ni Yorme Isko na sa eleksyong ito, ang laban niya ay hindi niya personal na laban, dahil ito ay “laban ng ordinaryong pamilyang Pilipino.”

Kailangang maiba na ang gobyerno, aniya, kaya inialok ni Isko ang sarili bilang pangulo na uunahing bigyan ng mabilis na solusyon ang problema ng mamamayang Pilipino.

“Simpleng gobyerno — pabahay, eskwelahan, hospital, trabaho, murang bilihin, murang koryente, murang krudo. Iyon po ang pagtutuunan ko muna ng pansin. Tao muna,” sabi ni Yorme Isko.

Bago nag-ikot sa CARAGA region, kasama ang katiket na bise presidente Doc Willie Ong, mga kandidatong senador Dr. Carl Balita, Atty. John Castriciones, Atty. Jopet Sison at Samira Gutoc ay nagbigay-galang muna si Yorme Isko kina Surigao City Mayor Ernesto Matugas Jr. sa Surigao del Norte; Cabadbaran City Mayor Judy Amante (Agusan del Norte); Bayugan City Mayor Kirk Asis (Agusan del Sur); at Butuan City Mayor Ronnie Lagnada.

Sa kabataan, hinamon ni Yorme Isko na tumayp at ipakita na sila nga ang pag-asa ng bayan.

“Sa Mayo a-nuebe, kung gusto nyo ng peace of mind, walang higantihan, naririto ako, available ako na inyong maging pangulo,” sabi ni Yorme Isko. (BP)