Advertisers
NAGRALI kahapon ang maralitang grupo sa harap ng Department of Human Settlement and Urban Development (DHSUD) at nagsagawa ng creative protest bilang paninisi sa hindi tamang pagbabayad ng buwis katulad ng P203 bilyong estate tax ng mga Marcos, na tungkuling dapat ipatupad ng gobyerno.
Isinususog naman ng grupong PRIMO-ISKO na kung.masisingil ang P203 bilyon ay sasapat para makapagpatayo ng higit sa 400,000 disenteng tirahan para tuluyang lumaya ang mga maralita sa “karitong bahay” na kinasasadlakan.