Advertisers

Advertisers

VP LENI LALONG LUMAKAS

0 406

Advertisers

DALAWANG malalaking grupo, sa pagkakataong ito ang Aksyon Demokratiko-Youth at Isko Tayo Kabataan, ang kusang kumalas sa lumulubog na bangka ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso noong Martes at lumipat sa kampo ni Vice President Leni Robredo.

Ang rumaragasang paglipat ng grupo kay VP Leni ay lalong lumalawak makaraan ng mapanirang pahayag ni Domagoso na umatras sa kandidatura si Robredo.

Sa pananaw ng AD-Youth at Isko Tayo Kabataan ang pahayag ni Yorme na rumesbak sa kanya ang siyang nagbunsod sa kanila upang lumipat kay VP Leni.



Napag-alaman din kahapon na isang bagong koalisyon na binubuo ng mga dating tagasuporta ni Isko — ang Isang Mamamayan Para Kay Leni o IMK Leni-IM Pilipinas — na nakabase sa Cebu ay nagpulong din sa Ginza Restaurant sa Cebu City upang ikasa ang malawak na base nila upang sama-sama nilang itulak ang kandidatura ni Robredo sa Cebu.

Sinabi ni Elmer Argano, lead convenor ng IMK Leni-IM Pilipinas coalition; “No one can accuse us of raiding the ranks of Isko’s supporters because these groups who have decided to heed our call to rally behind the Vice President came to us voluntarily and spontaneously.”

Dagdag pa ni Argano, marami pang grupo sa Ilocos Sur, Caraga region at iba pang parte ng bansa ang nakatakdang magdeklara ng kanilang paglipat mula kay Isko tungo kay Robredo.

Nauna rito, nagdeklara na rin ng paglipat mula sa kampo ni Domagoso tungo kay Robredo ang apat na kandidato sa pagka-konsehal ng Aksyon Demokratiko sa Quezon City na sina re-electionist Dante de Guzman, broadcaster Gani Oro, aktres Melissa Mendez, at April Francisco.

Marami na rin kasapi ng Aksyon Demokratiko ang sumanib sa mahabang listahan ng mga tumiwalag kay Isko kabilang na rito ang ilang grupo ng mga Muslim Imam at youth scholars mula sa Zamboanga, Sulu, Basilan at Tawi-tawi.



Sa magkasanib na pahayag, nilagdaan ni Kaye Anne Legaspi, Aksyon Demokratiko vice president for Youth; John Erdie delos Santos, dating AD executive director; Jose Marco Terrado, Isko Tayo Kabataan founding convenor; Rewin Eros Maghirang, Isko Tayo Kabataan founding convenor; Darren Gonzales, Isko Tayo Kabataan founding member; Paul Andrei Roset, AD candidate for councilor of San Pablo City, Laguna; Brian Ezra Gonzales, dating Isko Moreno national campaign editorial volunteer; at Kevin Mandrilla, dating miyembro ng Isko Tayo Kabataan, sinabi na lahat sila ay nadismaya sa masamang desisyon ni Domagoso na hingin ang pagbibitiw ni Robredo.

“Ang masamang desisyon ni Moreno ang nagpatibay sa aming posisyon na si VP Leni ang tanging kandidato na may integridad, karanasan at kadalubhasaan upang epektibong pangasiwaan ang pinakamahirap na trabaho sa gobyerno sa panahong ito,” saad ng grupo.

Ang panawagan ni Domagoso na umani ng pinakamabangis na galit ng taumbayan sa Manila Mayor hanggang ngayon ay nag-udyok din ng isang malupit na pagsaway mula kay Sen. Manny Pacquiao, isang paghingi ng tawad mula kay Sec. Norberto Gonzales at isang mabilis na pagtanggi mula kay Sen. Ping Lacson, na pawang nagsabing ito ay isang maling judgment call sa panig ni Domagoso.

Sina Pacquio, Gonzales at Lacson ay kasama ni Domagoso doon sa presscon sa Manila Peninsula na aniya ikinagulat nila ang tahasang pahayag ni Domagoso dahil hindi ito ipinaalam sa kanila bago mangyari ang presscon.