Advertisers

Advertisers

BBM-Sara balik-Maynila para samahan si Atty. Lopez

0 271

Advertisers

Nagpahayag ng pasasalamat si Atty. Alex Lopez sa ang lahat ng mga Manilenyong bumoto sa kanya sa lahat ng mga naglabasang surveys kung saan siya ang nanguna rito.

Naging usap-usapan si Atty. Alex sa iba’t-ibang sektor ng lungsod sa mga ginawa nitong pagpuna sa mga katiwalian at maling pamamalakad ng kasalukuyang administrasyon.

Hindi maalis ang isyu ng pagbebenta ng Divisoria Public Market kung saan humingi ng tulong kay Atty. Lopez ang mga vendors upang mapawalang bisa ang nasabing bentahan.



Maliban sa nasabing isyu, agaran ding tumugon si Lopez sa panawagan ng taumbayan para ipalabas na ang mga food packs, at pag-re-release ng allowance ng mga senior citizens. At agaran naman nagsampa ng petisyon si Atty. Alex upang aksyonan kaagad ito ng Pamahalaang Lungsod ng Maynila.

Ramdam ni Atty. Alex ang mga pinagdadaanan ng bawat Manilenyo. Naniniwala si Lopez na dapat ibigay ang nararapat.

Inanunsyo din ni Lopez ang pagbabalik ni Bongbong Marcos at Mayor Inday Sara sa lungsod ng Maynila sa darating na Sabado, 3:00 ng hapon sa Abril 23 ng taong kasalukuyan.

Isasagawa ang Grand Rally ng Uniteam sa Bustillos st., Earnshaw st, Sampaloc, Maynila at sina Ai-Ai delas Alas at Bayani Agbayani ang magiging host at kasama g mag-perform ang grupong Plethora band, X- Battalion at Hele sa naturang programa.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">