Advertisers

Advertisers

Kaso vs Oreta tinukuran ng kontra katiwalian group

0 238

Advertisers

KINAMPIHAN ng Asosasyon ng mga Kontra-Daya at Korapsyon, isang non-government anti-corruption watchdog sa Caloocan-Malabon-Navotas-Valenzuela (CAMANAVA), ang kaso ng katiwalian na isinampa sa Tanggapan ng Ombudsman laban kay Mayor Antolin “Len-Len” Oreta, misis nito na si Melissa Grace Oreta at kapatid na Konsehal Jose Lorenzo Oreta sampu ng kanilang mga kasapakat.

Ayon sa grupo, minamaliit lamang ng kampo ng mga Oreta ang mga nasabing kaso ng pandarambong, pagnanakaw, nepotismo at iba pang kasong kriminal, sibil at administratibo na kinakaharap nila ngayon sa Ombudsman pero ipinapakita umano ng mga kasong ito na buhay ang demokrasya.

Nauna rito, isang residente ng Malabon ang nagsampa ng mga kasong plunder, graft at technical malversation sa Office of the Ombudsman laban kina Malabon Mayor Oreta, Melissa Grace Oreta, Sofronia Lim, Engr. Manuel Chua Co Kiong, Anthony Rodriguez, Dr. Raymundo Arcega, Harvey Keh, Jonathan Co, Maria Pilar Herbolario, Dr. Lucila Bondoc, Michael Lavado, at Marlon Travero, na mga miyembro ng Lupon ng Rehente ng CMU, at Bernard C. Dela Cruz, Paulo D. Oreta, John Anthony P. Garcia, Maria Anna Liza G. Yambao, Danilo V. Dumalaog, Jose Lorenzo A. Oreta, Prospero Alfonso R. Manalac, Ejercito V. Aquino and Jasper Kevin D. Cruz, na mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod ng Malabon dahil umano sa iligal na paggamit ng P69 milyong pondo ng United Financial Assistance System for Tertiary Education (UniFAST).



“Karapatan ng sinoman na mamamayan na magreklamo kung mayroon silang natuklasaan na katiwalian at korapsyon sa gobyerno. Hinikayat ng kasong ito ang mga pangkaraniwang mamamayan tulad ng mga nagrereklamo (complainants) na huwag matakot at makisama sa pagkukubli ng katotohanan,” ayon sa statement ng Asosasyon ng mga Kontra-Daya at Korapsyon.

Dagdag pa ng grupo, lubhang makapangyarihan ang pamilyang kinasuhan pero may karapatan pa rin ang mga nagsampa ng kaso na sabihin ang kanilang nalalaman. “Panahon na para itigil ang pagtuturing sa pamahalaan bilang “family business” na tila pag-aari nila ang gobyerno at kanilang nasasakupan,” ayon sa grupo.

“This is not just about elections nor stealing people’s money. This is a call to change the norm of curtailing the law or taking advantage of it in order to gain for profit. This is about seizing the control from a few powerful politicians who abuse their authority and giving it back to the general public who contribute to defray the expenses of the government,” pahayag pa ng asosasyon.