Advertisers

Advertisers

Maabilidad na lider kahit kapos sa pondo… VP LENI, ‘HIGHLY COMPETENT’ NA MAMUNO SA PAGBANGON MULA SA PANDEMYA

0 177

Advertisers

MALIIT man ang pondo ng kanyang tanggapan, marami pa rin ang natulungan.

Ito ang ipinamalas na kagalingan ni Vice President Leni Robredo na kahit hindi na bahagi ng kanyang mandato ay napakarami pa ring natulungan lalo na noong panahon ng pandemya.

“Gusto natin ng lider na responsible at maabilidad, ‘yung kayang mag-budget ng pera sa tahanan at pagkasyahin ang maliit na halaga para sa maghapong gastos ng pamilya.”



Ito ang pahayag ni Diwa Guinigundo, retired deputy governor ng Bangko Sentral, sa kanyang paglalarawan sa kakayahan ni Robredo na mamuno sa bansa bilang pangulo.

“She was able to maximize the Office of the Vice President’s allocation to fund an operation truly national in scope,” ani Guinigundo.

Ang mga ito, dagdag pa niya, ay may resibo lahat na nagpapakita ng napakaraming programa sa iba’t ibang bahagi ng bansa, lalo na sa maliliit na lalawigan o bayan tulad na lamang ng malayong na lugar ng Ayutaya sa Palawan na minsang naging tampok ng kanyang talumpati.

Sa katunayan, dinaig pa ni Robredo ang ilang ahensya na di hamak na may mas malaking pondo kaysa sa kanyang tanggapan, at ito ang “skill set” na kailangan ng bansa na pilit bumabangon mula sa masamang epekto ng pandemya.

“Si VP Leni ‘yung leader na sasabay sayo sa bus o magmo-motor para lamang makarating sa mga lugar na kailangan ng tulong,” ayon kay Guinigundo. “Hindi yung leader na magde-demand ng first class seat sa eroplano dahil hindi sanay sa economy.”



Aniya, mas malaki ang pondong kakailanganin sa pagbangon ng ekonomiya kaysa sa koleksyon ng pamahalaan, kaya mahalaga ang kakayahan ni Robredo na maraming nagagawa sa kakaunting pondo.

At naniniwala si Guinigundo na kayang ibangon ng Bise Presidente ang ekonomiya “dahil siya lang ang may maayos na plataporma, lalo na tungkol sa pagtulong sa maliliit na negosyo at sa paglikha ng mga trabaho.”

“One, she will inspire market confidence. She will attract investors who will be lured that an economist is at the helm,” aniya. “They will see her as both fair to labor, capital and consumers.”

Kabaligtaran naman umano ni Robredo ang kanyang kalabang si Ferdinand “Bongbong” Marcos na may utang pa sa buwis ang estate ng ama at may problema sa pagbabayad ng buwis, ayon kay Guinigundo.

“The vice president’s anti-corruption stance will assure taxpayers that what they pay will not be stolen or wasted,” sabi niya.

“Meron syang seal of good housekeeping, habang ‘yung isa nasa BIR’s most wanted tax collectible.”

“Para kay Juan de la Cruz, mas panatag sya magbayad ng tamang buwis kasi nakakaseguro sya na maibabalik sa kanya sa pamamagitan ng tamang serbisyo at magandang proyekto.”