Advertisers
AABOT sa 600,000 na mga tauhan ng Department of Education (DepEd) ang nakatakdang magsilbi para sa nalalapit na Halalan 2022.
Sinabi ni DepEd Director Marcelo Bragado Jr., mas mataas ito kumpara sa bilang ng mga DepEd personnel na nagserbisyo noong nakaraang eleksyon 2019.
Paliwanag niya, ito ay sa kadahilanang nadagdag pa raw ng clustered precints ang Commission on Election (Comelec) matapos na madagdagan pa raw ang bilang ng mga rehistradong botante sa bansa.
Sa datos ay mayroong 106,000 na clustered precints na gagamitin para sa darating na eleksyon sa bansa, habang nasa kabuuang 319,317 naman ang bilang ng mga guro na magsisilbi bilang bahagi ng electoral boards, habang ang iba naman ay mga non-teaching DepEd personnel na magsisilbi naman bilang mga supervising officials, support at technical support staff at bilang boards of canvassers na rin.
Matatandaang noong 2019 ay nasa 531,000 ang kabuuang bilang ng mga DepEd personnel na nakibahagi sa pagbibigay serbisyo para sa naging halalan noong panahon na iyon.