Advertisers
Inaresto ng mga kawani ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) noong Miyerkoles ang isang barangay chairman dahil umano sa pagkakaugnay nito sa Maguindanao massacre.
Kinilala ang barangay captain na si Datu Harris Ampatuan Macapendeng, kapitan ng Barangay Tuayan sa bayan ng Datu Hoffer.
Naaresto si Macapendeng sa BARMM compound sa Cotabato City. May patong sa ulo si Macapendeng na nagkakahalaga ng P300,000.
Ang pagkakadakip sa barangay chairman ay isinagawa sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng Regional Trial Court sa Quezon City. Si Macapendeng ay may kasong 43 counts of murder na may kaugnayan sa massacre.
Ayon sa CIDG, parte si Macapendeng ng private army ng mga Ampatuan at kasama sa mga nagplano sa massacre noong 2009 kung saan 58 katao ang pinatay.
“The arrest of Macapendeng is a confirmation that the law and justice never sleep. In whatever condition is ready to step up and enforce the law so that offenders will be held accountable and justice is served for the grieving victims and their families,” pahayag ng CIDG.