Advertisers

Advertisers

DILG sa LGUs: Listahan ng mga kwalipikadong trike drivers para sa fuel subsidy isumite na

0 183

Advertisers

PARA matulungan ang mga sektor ng transportasyon, inatasan ngayon ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang lahat ng City at Municipal Mayors sa buong bansa na magsumite ng validated list ng mga kwalipikadong tricycle driver sa mga regional office ng DILG sa o bago ang Abril 26, 2022 bilang paghahanda para sa isa pang round ng fuel subsidy sa ilalim ng Pantawid Pasada Program sa pangunguna ng Department of Transportation (DOTr) at Land Transportation and Franchising Regulatory Board (LTFRB).

Sinabi ni DILG Secretary Eduardo M. Año na ang mga city at municipal local chief executives (LCEs) ay inaasahang gagawa ng listahan para mapabilis ang proseso ng pagtulong sa mga tricycle drivers “na ang kakarampot na kita ay lalo pang nababawas ng kamakailang pagtaas ng presyo ng langis. Dagdag pa niya, ang nasabing listahan, kapag na-validate, ay magiging batayan ng DOTr-LTFRB sa pagbibigay ng fuel subsidy.

“I urge all City and Municipal LCEs to produce a validated list of qualified tricycle drivers who will receive the Pantawid Pasada Program fuel subsidy. Kailangan po ito ng ating mga kababayang tricycle drivers who have been burdened by the recent unprecedented oil price hikes,” ani Año.



“Sana po ay paspasan po natin ang pag-aasikaso ng listahang ito para kahit papaano ay maibsan ang pasanin ng ating mga drayber,” dagdag pa ng DILG Secretary.

Samantala kaugnay nito sinabi ng DILG sa ilalim ng Fuel Subsidy Program o Pantawid Pasada Program na popondohan sa pamamagitan ng General Appropriations Act of 2022, ang fuel assistance na nagkakahalaga ng P6,500 ay direktang ibibigay hindi lamang sa mga apektadong jeepney driver kundi maging sa mga kwalipikadong driver ng UV express, mini bus, mga bus, shuttle service, taxi, tricycle, at iba pang full-time na ride-hailing (hal., transport network vehicle service o TNVS at motorcycle taxi) at mga serbisyo sa paghahatid sa buong bansa.

Ayon sa DILG sa pamamagitan ng DILG Memorandum Circular 2022-047, sinabi ni Año na ang mga local government units (LGUs) ay dapat gumawa ng validated list ng mga tricycle driver; mga franchisee ng tricycle; mga address; mga account sa electronic wallet; at bilang ng mga nagpapatakbong tricycle at iba pang detalye sa loob ng kani-kanilang hurisdiksyon.

Ang nasabing mga detalye, aniya, ay dapat ihanda at sertipikadong tama ng Pinuno ng Tricycle Franchising Board at ng pinuno ng lokal na Tricycle Operators and Drivers Association (TODA). “Ito rin ay kailangang certified ng City or Municipal Mayors at Vice Mayors. Ito ay para matiyak na tama at lehitimo ang listahan na ipapasa natin sa DOTr-LTFRB,” ani Año. (Boy Celario)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">