Advertisers

Advertisers

Pagdiriwang ng pamilyang Pilipino sa buong mundo! ‘SHOW OF FORCE’ SA ABRIL 23, PANAWAGAN NG VOLUNTEERS NI ROBREDO

0 125

Advertisers

ANG pinaplanong “global grand rally” sa Abril 23 sa Pasay City at sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas at buong mundo ay hindi lamang pa-birthday ng mga taga-suporta ni Vice President Leni Robredo kundi isang pagdiriwang ng pagkakaisa ng mga mamamayan na magkaroon ng pamahalaan na tunay na magsisilbi sa bayan.

“This is not just one person’s natal day. This is about new beginnings for us all. We are not just voting for VP Leni Robredo, we are voting for our children’s future,” ayon kay Georgina Hernandez, coordinator ng Robredo People’s Council (RPC).

Inaasahan ni Hernandez na marami ang dadalo sa grand rally sa Sabado na ino-organisa ng RPC na chapters sa halos bawat lalawigan, lungsod, munisipalidad, at mga siyudad sa ibang bansa na may nga Filipino.



“This is not a birthday party for one, but a celebration of the unity of the people under a common and noble cause,” ayon kay Hernandez. “In a sense, everyone is a celebrator,” aniya. “Kasi ipinagdidiwang natin ang ating pag-asa ng isang tapat na pamumuno.”

Dagdag ni Hernandez na ang rally sa Sabado, na gaganapin sa kahabaan ng eight-lane na Diosdado Macapagal Boulevard, ay isang pasasalamat sa kampanya na naging inspirasyon para sa milyong-milyong volunteers ni Robredo.

“Pasasalamat ito sa mga taong buong tapang, taos-puso at walang pagod ang pangangampanya para sa magandang bukas na hatid ng isang gobyernong tapat,” aniya.

Isa rin umano itong “pep rally” na maghuhudyat sa volunteers na pag-ibayuhin pa ang pagsisikap sa pangangampanya sa mga araw bago ang halalan sa Mayo 9.

Pagdiriwang ng pamilyang Pilipino



Ang event ay tinagurian bilang “Filipino family affair” dahil inaasahan ng RPC na hene-henerasyon ng bawat pamilya ang dadalo sa grand rally.

“Saturday’s rally is going to be a family outing, a family day for tens of thousands of Filipinos,” sabi ni Hernandez. “Sa mga pamilya manggagaling ang mobilisasyon namin.”

“Mula lola hanggang apo, asahan nyong darating. Magpipinsan, mga tito at titas, ang magkikita doon.”

Sabi pa niya, sa pamilyang Pilipino kumukuha ng lakas ang kampanya ni Robredo at ito ay ilang beses nang nabanggit ng bise presidente sa kanyang mga talumpati.