Advertisers
Kulungan ang kinabagsakan ng isang security guard nang mabuko ang modus-operandi nito sa pangingikil na nakasuot ng uniporme ng pulis, nitong Huwebes sa bayang ng Rosario, La Union.
Kinilala ang nadakip na suspek na si Alan Dulay, nasa hustong gulang at taga Rosario, La Union.
Batay sa report ng Rosario-PNP, nakatanggap sila ng report mula sa mga tricycle driver hinggil sa ginagawang pangingikil ng suspek.
Kuwento ng mga tricycle driver nakasuot ng uniporme ng pulis ang suspek at pagkatapos ay pinapara sila saka hinihingan ng pera para hindi sila tiketan.
Agad na nagsagawa ng operasyon ang mga awtoridad at nahuli sa akto ang suspek na nangongotong sa mga tricycle driver.
Sa himpilan ng pulisya, sinabi ng suspek mahigpit ang pangangailangan niya sa kaya niya nagawa ang krimen.
Nahaharap ngayon sa patong-patong na kaso si Dulay.