Advertisers

Advertisers

Van nahulog sa bangin: 6 patay, 2 sugatan

0 184

Advertisers

Patay ang anim na teenagers at 2 ang sugatan nang mahulog sa bangin na may lalim na 250 feet ang sinasakyang van sa Besao town, Mountain Province.

Kinilala ang mga nasawi na si Dalog Kawi Mangallay, 19; Lip-aw, Aligan, 15; Rhema Sumingwa, 18; Merly Docyogen, 17; Hazel Solang, 19; at Ken Lendel Kieth Alfonso, 19.

Ayon sa ulat, madaling araw pa nangyari ng Huwebes ang aksidente pero hapon lang nadiskubre.



Ginagamot naman ngayon sa ospital ang mga sugatang sina Lander Maticyeng, 17; at Novelyn Sagantiyoc, 18 anyos.

Nabatid na galing ang mga biktima sa isang pagtitipon sa Beesao at pauwi na sana nang maganap ang aksidente.