Advertisers

Advertisers

VP LENI HINAMON NI ISKO NA MAGING TOTOO SA TAO

0 224

Advertisers

“I-DENY nyo na hindi nyo kami pinaaatras! Na hindi ninyo pina-atras si (former national security adviser) Norberto Gonzales. Hindi ninyo pinaatras si Senator Ping (Lacson)!”

Ito ang naging hamon ni Aksyon Demokratiko presidential bet Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso kay Vice President Leni Robredo at sa tagapagsalita nito, si Atty. Barry Gutierrez na itanggi na siya at sina Lacson at Gonzales ay sinabihang umatras sa pagtakbong pangulo sa eleksiyon sa Mayo 9.

“Bakit kayo lang ba ang may karapatang tumakbo sa pagka-pangulo? Kayo lang ba ang magaling? E kasi puro BBS eh – bilib na bilib sa sarili,” wika ni Yorme Isko sa ambush interview matapos bisitahin si Gov. Arthur Yap sa Bohol Provincial Capitol, Miyerkoles, Abril 20.



“Deretsahan, Madame Vice President Leni Robredo totoo ba o hindi na pinaaatras nyo kami?” sabi ni Yorme Isko.

Sa mga balitang lumabas, itinanggi ni Atty. Barry Gutierrez na hiniling ng kampo nila na pinaaatras nila sina Yorme Isko at hiniling na suportahan ang kandidatura ng bise presidente.

“May CCTV ang Office of the Vice President. Barry mag-ingat ka, may CCTV yung bahay sa McKinley. Barry mag-ingat ka, may CCTV at may picture yung bahay sa Dasmarinas Village,” sabi ni Isko.

Tinawag pa ni Yorme Isko na ‘fake’ ang kampo ni Robredo kaya ayaw sa kanila ng tao.

“Barry, huwag ka ng magsalita. Yung amo mo pagsalitain mo,” sabi ng 47-anyos na alkalde ng Maynila.



Inulit niya ang paghamon kay Gutierrez na sinabi, ‘wag itong magsinungaling sa tao at mismong si VP Robredo ang pagsalitain.

“Barry huwag kang magsinungaling. Baka hindi mo alam ang ginagawa ng amo mo. Now tell me if I’m lying then I’ll show you proof.”

Hinamon din ni Yorme Isko si dating Sen. Bam Aquino na campaign manager ni Robredo na magsabi ng totoo.

“I challenge Bam Aquino to deny it. I challenge the Honorable Vice President, pasinungalingan n’yo na hindi kayo nag-attempt na paatrasin kami. Dapat makita ng taong bayan kung sino ang fake, kung sino yung totoo,” sabi ni Yorme Isko.

Idinugtong pa niya na hindi siya papayag na maboladas ng kampo ni Robredo ang taumbayan.

“Na kayo ay santa pero kayo ay santita pala,” sabi ni Yorme Isko.(BP)