Advertisers

Advertisers

HEALTH PROTOCOLS PANATILIHIN AYON KAY BONG GO

0 344

Advertisers

SA pamamahagi ng ayuda ng tanggapan ni Senator Christopher “Bong” Go sa mga naghihikahos na residente ng Zamboanga City nitong April 21 (Huwebes) ay pinaalalahanan nito ang publiko na sundin ang itinatakdang health protocols dahil malaki ang naging katulungan nito sa pagsupil ng COVID-19.

Sa video message ay hinimok ni Go ang mga hindi pa nababakunahan na agad magpabakuna para mapalakas ang kanilang depensa laban sa mga virus at mapangalagaan din ang seguridad sa kanilang komunidad.

“Huwag nating isantabi ang mga basic protocols, gaya ng pagsuot ng mask, palaging paghugas ng kamay, pag-obserba ng social distancing, at pananatili sa loob ng bahay kung hindi naman kailangang lumabas. Paulit-ulit na ito, kung hindi tayo susunod, mas mahihirapan tayo,” giit ni Go.



“Higit sa lahat, magtiwala tayo sa national vaccine program at magpabakuna na kaagad ayon sa priority order na ipinapatupad. Tuluy-tuloy naman ang pagdating ng bakuna at pinapabilis pa natin ang rollout,” dagdag nito.

Ang pamamahagi ay idinaos sa Recovedo Covered Court na ang koponan ni Go ay namigay ng snacks at masks sa 392 residents. Namigay rin ng mga sapatos at tablets sa ilang piling inidividual gayundin ng mga bisekleta.

Ang mga kinatawan naman mula sa National Housing Authority ay namahagi rin ng housing assistance sa ilalim ng Emergency Housing Assistance Program.

Si Go na nagsilbi bilang Chair of the Senate Committee on Health and Demography ay nag-alok ng dagdag tulong sa mga nangangailangan ng medical attention at pinayuhang magtungo sa Zamboanga City Medical Center, Mindanao Central Sanitarium, at Labuan General Hospital na siyang kinaroroonan ng Malasakit Centers para umasiste sa mga hospital bills.

Itinatag sa ilalim ng Malasakit Centers Act na si Go ang pangunahing may-akda at nag-sponsor, ang Malasakit Center ay one-stop shop na magkakaloob ng kaalwanan para sa medical assistance programs ng Department of Social Welfare and Development, Department of Health, Philippine Health Insurance Corporation, at Philippine Charity Sweepstakes Office. Mahigit three million Filipinos na ang nakinabang mula sa Malasakit Centers program simula nang nailunsad ito noong 2018.



Pinasalamatan ni Go ang lahat ng local public servants sa kanilang dedikasyon at katiyagaan sa pagtiyak ng buong suporta ngayong panahon ng kahirapan.

Bilang Vice Chair of the Senate Finance Committee ay sinuportahan ni Go ang iba’t ibang inisyatiba para sa pag-unlad ng kanilang lungsod tulad ng construction ng Sub-National Laboratory Capacity Building for Serology and Molecular Testing, at ang two-story hospital building sa Camp Navarro General Hospital.

Sa Zamboanga del Sur ay sinuportahan ni Go ang construction ng multipurpose buildings sa Aurora, Dimataling, Dinas, Lapuyan, Pagadian City, Pitogo, Ramon Magsaysay, Sominot at Tigbao; pagbili ng multipurpose vehicles sa Bayog; construction ng two-story public market sa San Pablo; at ang renovation ng Municipal Public Park sa Tambulig.

“Mga kababayan ko, tandaan niyo po na minsan lang tayo dadaan sa mundong ito. Kung ano pong kabutihan ang pwede natin magawa sa tao ay gawin na po natin. Kami naman po ni Pangulong Rodrigo Duterte ay nandirito lang upang magbigay ng serbisyong nararapat sa inyo,” pagpupunto ni Go.