Advertisers

Advertisers

1Pacman Partylist, nanatili sa puso ng Bagong Silangan, QC

0 337

Advertisers

NGAYONG sasapit muli ang eleksyon sa darating na Mayo, alam na ng mga taga-Bagong Silangan ang numerong kanilang mga iboboto.

Kahapon, madiin at malakas na sigaw ng numerong 161 ang umalingaw-ngaw sa Quezon City Mula sa Barangay Bagong Silangan.

Dahil ito ang numero ng 1PACMAN Party-list na sa ikatlong pagkakataon ay kanilang napili na Party-list pa rin na kakatawan at muling magbibigay tulong sa kanila at mananatiling boses sa Kongreso dahil sa subok na serbisyo nito.



Sa siguradong pag-upo nito sa Mayo, ito ay magiging pangatlong termino na ng 1PACMAN Party-list.

“Subok at puro aksyon ang 1Pacman kaya walang dahilan para kami ay magpalit ng Party-list, 161 lang ang hahanapin namin sa balota,” pahayag ng isang suporter na maging anak na may Congenital Heard Disease ay napa-operahan.

“Salamat sa walang sawang suporta at tiwala sa 1Pacman Party-list. Asahan niyo ang panibagong 3 na pag-agapay at umasa po kayo na mas marami pa tayong pa-ooperahan na batang may CHD,” pasasalamat ni Rep. Mikee Romero, na kasalukuyang Deputy Speaker sa Kongreso at nanatiling pinaka-mayamang Kongregista sa bansa.