Advertisers
Ni WALLY PERALTA
KUNG ang pag-uusapan ay posibleng balikan blues nina Kylie Verzosa at Jake Cuenca, tila malabo pa sa sabaw ng pusit na mangyari ito sa ngayon base na rin sa naging komento ni Kylie sa katanungan sa kanya kung feel ba niyang makaharap o makausap ang dating boypren for almost 3 years?
Masasabi kaya niya nang harapan sa ngayon sa ex-boypren ang titulo ng movie nila ni Zanjoe Marudo na ‘Ikaw Lang Ang Mahal’ streaming this coming May 20 at web.vivamax.net. You can download the app and subscribe via Google Play Store, App Store, and Huawei AppGallery.
“Hindi kasi kami nag-uusap, e. Pahinga muna. Focus muna sa career…work and career,” say ni Kylie.
“Take it a day at a time. Tapos, feeling ko time will heal all wounds. Nagpapasalamat talaga ako sa lahat ng nangyari,” say pa rin ni Kylie.
Hindi rin ganun kadali para kay Kylie na maghilom ang sugat na dulot ng break up nila ni Jake.
***
NAG-matured sa ngalan ng pag-ibig! Yan ang masasabi ni Ruffa Gutierrez kung ano ang status ng relasyon nila ng senatorial candidate na si Herbert Bautista.
Matured in the sense na naging inspirasyon nila ang isa’t isa. Si Herbert ang naghikayat kay Ruffa na mag-aral na muli, samantalang si Ruffa naman ang inspirasyon ni Bistek at ang babaeng nagpapasaya sa kanya.
Ngayong darating na Hulyo ay gagradweyt na si Ruffa sa kolehiyo with Bachelor of Arts degree major in Communication Arts under the Expanded Tertiary Education Equivalency and Accreditation Program at the Philippine Women’s University.
“Tama yung sinabi ni Herbert sa isang interview na we are in a mature relationship. Imagine I haven’t been in school for more than 30 years and when we first met each other on the set of “House Arrest of Us,” talagang ineeng-courage niya ako.
“Sabi ko I really want to do master classes or short courses. Sabi niya bakit hindi mo tapusin ang college? Matalino ka. Parang I was doubting myself pa. Sabi ko ‘can I really do it pa ba?’ Why not di ba?
“So with him encouraging me, I was able to finish and get a college degree. I’ll be graduating in July and my kids are so proud of me. I think ang kailangan natin sa buhay ngayon para mag-glow tayo ay yung nagbibigay sa atin ng encouragement at hindi stress. He doesn’t give me stress, he just makes me glow, and that’s just what we need,” say ni Ruffa.