Advertisers
BATAY sa pinakahuling resulta ng survey mula sa HKPH- Public Opinion and Research Center katuwang ang Asia Research Center na nakabase sa Hong Kong, panalo na sa May 2022 eleksyon sina : Bongbong Marcos (President), Sara Duterte (Vice-President), Jerry “Sambo” Yaokasin (Mayor), at Tingog (Partylist).
Lumabas na si dating senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ay nakakuha ng 72 porsyento ng boto sa Tacloban City habang ang kanyang running mate na si Davao City Mayor Sara Duterte ay nakakuha naman ng 65 percentage score.
Ayon sa “Pulso ng Bayan: Tacloban City 2022” survey, buo na ang desisyon at nakapagpasya na ang mga botante sa Tacloban City kaya inaasahan na ang kanilang bagong Mayor matapos ang May 2022 eleksyon ay si incumbent Vice Mayor Jerry “Sambo” Yaokasin na may 68 percentage score laban kay Mayor Alfred Romualdez na may 28% lang.
Ipinahiwatig ng mga botante ang labis na pagka dismaya kaya sa “performance assessment” nila Romualdez bilang Mayor binigyan nila ito ng 30% na iskor. Lumitaw din na naging mitsa ng mababang voters preference ni Romualdez ay ang mga alegasyon tulad ng isang box na ordinary face mask ay binili ng 6k.
Samantalang, si Vice Mayor Yaokasin naman ay subok na at nararanasan ng mga botante ang mahusay na serbisyo publiko kaya nais nila mailuklok kapalit ni Romualdez.
Lumitaw din na suportado ng Taclobanons ang Tingog partylist na ang 1st nominee ay si Yedda Romualdez at bingyan ng 69% “performance rating” si Majority Floor Leader Cong. Martin Romualdez.
Ang survey ay isinagawa nang malaya at walang komisyon mula Abril 17-21, 2022, nag-survey sa 1,200 rehistradong botante na may margin of error na 3% (+/-), at gumamit ng random sampling sa lungsod ng Tacloban.