Advertisers

Advertisers

Trade, Tourism Fair inilunsad sa Antique ni Legarda

0 172

Advertisers

INIMBITAHAN ni senatorial candidate at House Deputy Speaker Loren Legarda ang mga turista sa lalawigan ng Antique sa paglulunsad niya ng Antique Trade & Tourism Fair sa bagong restored na Old Capitol Building.

Ito ay bilang suporta ni Legarda sa culture-based livelihood at proteksiyon sa mga natural wonder sa buong Antique kung saan kinikilala ang kahalagahan ng kultura at turismo sa pagbibigay kapangyarihan sa mga micro, small, and medium enterprises (MSMEs).

Ayon sa three-term senator na si Legarda, ang Antique ay isang maliit na probinsiya na may 18 bayan ngunit bawat munisipalidad ay may ‘unique features’ kabilang ang cultural at heritage landmarks, historical significance, natural wonders tulad ng rich landscape at seascape.



“Nararapat lamang na ating mabigyan ng pagkakataon ang bawat munisipalidad na maipakilala ang kani-kanilang ganda sa buong Pilipinas at maging sa buong mundo,” ani Legarda.

“This trade and tourism fair is an opportunity for our kasimanwa to showcase the natural wealth and the potential of our home province as a premier ecotourism destination that will also provide sustainable livelihood and employment opportunities,” wika ng kasalukuyang kongresista ng Antique.

Idinaos ang Trade and Tourism fair sa pakikipagtulungan ng Department of Trade and Industry (DTI), Provincial Tourism Office, Office of the Provincial Agriculturist, at Antique Hotel and Restaurants Organization.

Upang gawing pangunahing destinasyon ng ecotourism ang kanyang lalawigan, sinuportahan ni Legarda ang local micro enterprises tulad ng Bagtason Loom Weavers Association (BLWA) sa Bugasong; ang Malabor Abaca – Piña Weavers Association (MAPWA) at Tibiao Active Weavers and Knotters Association (TAWKA) sa Tibiao; Pahinis Muscovado Sugar sa Laua-an Multipurpose Cooperative (LMPC) at Ati Bukidnon Tribal Organization sa Libertad.

Nakipagtulungan din si Legarda sa Department of Trade and Industry (DTI) upang dalhin ang local enterprise sa Manila sa pamamagitan ng National Arts and Crafts Fair, gayundin sa Department of Tourism para maimbitahan ang mga turista na bisitahin ang Antique at maipakilala ang mga produkto ng lalawigan.



Dagdag ni Legarda, kabilang sa mga maipagmamalaking produkto ng Antique ang muscovado sugar, handwoven patadyong, handmade clay pots, at handicrafts na gawa sa nito, buri, bariw, abaca at kawayan. (Mylene Alfonso)