Advertisers
Patay ang isang babae nang barilin ng pinsan nitong Linggo sa Banate, Iloilo City.
Kinilala ang biktima na si Joyce Ferrer, 26; at ang salarin na si Mel Ferrer, 42, parehong residente ng Brgy. Merced sa naturang bayan.
Naganap ang insidente 8:00 ng umaga sa labas ng kanilang bahay, pahayag ni Police Master Sergeant Joelito Babayo III.
Ayon sa imbestigasyon, ang pinagmulan ng iringan ng magpinsan dahil sa tsismis.
Nagkainitan ang dalawa nang magkasalubong hanggang sa bumunot ng .45 na baril si Mel. Tumakbo ang biktima ngunit nadapa ito sa may kanal.
Binaril ni Mel nang malapit sa dibdib ang biktima at saka ito tumakas.
Patay na ang biktima nang makarating sa ospital.
Kasalukuyan pa ring iniimbestigahan ang krimen.