Advertisers

Advertisers

Pinoy boxer kulong sa pang-aabuso at pananakit California

0 418

Advertisers

Nakulong ang Pinoy boxer nang masangkot sa kasong pang-aabuso at pananakit sa California.

Kinilala ang suspek na si All Rivera.

Batay sa ulat, nakakulong si Rivera sa Santa Rita Jail sa California at nahaharap sa kasong battery and elder or dependent adult abuse.



Dinala umano si Rivera sa isang psychiatric facility noong Abril 7 nang mapansin ng kanyang mga kasama sa bahay ang pagbabago ng ugali at kilos ng boksingero dahil sa pinagdaraanang depresyon.

Habang nasa pasilidad, nagdulot umano ng kaguluhan si Rivera. Nang dumating ang mga pulis nanlaban pa ito.



Itinakda ang $45,000 o humigit kumulang P2.35 milyong piyansa para sa kanyang pansamantalang paglaya. Nakatakdang dinggin ang kaso ng boksingero sa Mayo 2.

Si Rivera na may professional boxing record na 22-5 kasama ang 18 knockouts at huling napalaban noong Hunyo 2021 laban kay Omar Juarez kung saan nanalo ito via majority decision.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">