Advertisers
NAGDAOS ng malawakan at magkakasabay na pangangampanya noong May 3 ang mga supporter ni Sen. Joel “TESDAMAN” Villanueva para sa ikalawang termino ng senador.
Nagsagawa ng iba’t ibang aktibidad ang mga supporter ng senador para isulong ang kandidatura ni Villanueva, kasama dito ang mga motorcade, postering, at house-to-house campaigning.
Sumali sa kilos kampanya ang mga supporter na kinabibilangan ng iba’t ibang groups gaya ng kabataan, estudyante, young professionals, manggagawa, techvoc trainees and graduates mula sa 78 lalawigan sa bansa. Nagpakita rin ng suporta kay Villanueva ang mga OFWs mula sa 60 na bansa sa pamamagitan ng social media.
Nagpasalamat ang senador sa kanyang mga taga-suporta sa ipinakitang sigasig sa tinaguriang “TESDAMAN Day”.
“Nakakataba po ng puso ang bumuhos na pagmamahal ng ating mga supporters ngayong araw. Sa kanila po tayo kumukuha ng lakas ng loob at tiwala na mabibiyayaan tayo ng isa pang pagkakataong maglilingkod sa Senado,” sabi ni Villanueva.