Advertisers
Arestado ang isang misis at umano’y kalaguyo nitong sundalo nang maaktuhan silang magkasama sa isang kuwarto ng mister ng babae na isa namang pulis sa Cagayan de Oro Cit
Sa ulat, sinabing pauwi na sa Kauswagan at galing sa trabaho ang pulis na miyembro ng City Mobile Force Company (CMFC), nang makita sa inuupahan nilang kuwarto ang kaniyang misis na nurse na kasama ang sundalo.
Tumawag ng awtoridad ang pulis para ipaaresto ang kaniyang misis at ang sundalo, na nakuhanan din ng baril.
Sasampahan ng kasong adultery ang misis at ang sundalo. Mahaharap din ang sundalo sa reklamong paglabag sa Comelec gun ban dahil sa pagdadala ng baril sa panahon ng eleksiyon.