Advertisers

Advertisers

Bong Go: Tutulong ako hanggang kaya ko

0 242

Advertisers

MULING bumisita si Senator Christopher “Bong” Go sa Island Garden City of Samal sa Davao del Norte kamakailan upang personal alamin ang sitwasyon ng mga naghihirap na Samaleño at tiniyak na makatatanggap sila ng mga kinakailangang suporta sa mga panahon ng krisis.

 





“Sa mga taga-Samal, gagawin ko lang ang lahat ng aking makakaya. Hindi ako pulitiko na mangangako sa inyo na kaya kong gawin ito. Gagawin ko lang ang lahat para makapagserbisyo sa inyo. Sa abot ng aking makakaya, tutulong ako,” sabi ni Go sa mga residente.

Personal na pinangunahan ng senador ang pamimigay ng food packs, bitamina, pagkain at kamiseta sa may 2,417 residente na binubuo ng solo parents, mangingisda at senior citizen, mula sa Barangay Tagbitan-ag, Peñaplata at Catagman. Binigyan din niya ang mga piling indibidwal ng mga bagong sapatos, bisikleta, computer tablet, volleyball, basketball at relo.

Ang mga aktibidad ay ginanap sa kani-kanilang barangay covered court, bilang pagsunod sa ipinag-uutos na health protocols laban sa COVID-19.

Ang mga tauhan naman ng Department of Social Welfare and Development ay nagpaabot ng tulong na pera sa pamamagitan ng Assistance to Individuals in Crisis Situation program nito.

Hinikayat ng senador ang mga nangangailangan ng tulong medikal na makipag-ugnayan sa kanyang tanggapan. Sinabi niya na may mga malalapit na Malasakit Center na handang tumulong sa kanilang mga gastusin sa pagpapagamot.



Ang pinakamalapit na mga center ay matatagpuan sa Southern Philippines Medical Center sa Davao City at Davao Regional Medical Center sa Tagum City.

Layunin ng Malasakit Center na gawing mas accessible a mga Pilipino ang lahat ng programa ng tulong medikal ng gobyerno sa pamamagitan ng pagsasama-sama ng mga kaukulang ahensya, kabilang ang DSWD, Department of Health, Philippine Health Insurance Corporation, at Philippine Charity Sweepstakes Office.

“Siguro nagtataka kayo bakit Mr. Malasakit ‘yan, bakit nga ba nila ako tinawag na Mr. Malasakit? Dahil ako ang nagsulong nito at pinirmahan ni Presidente Duterte. Ang Malasakit Center ay one-stop shop at mayroon tayong 151 na Malasakit Center sa buong Pilipinas na handang tumulong,” ani Go, ang principal author at sponsor ng Malasakit Centers Act of 2019.

“Huwag kayong matakot sa bayarin. Ganyan kasi ang sakit natin minsan, takot sa babayaran sa cancer, operasyon sa puso. Kapag masakit ang puso niyo, huwag niyo nang patagalin, magpa-check na kayo… Dialysis, kami na ang magbabayad,” paniniyak ng senador.

Noong nakaraang araw, Mayo 11, tinulungan din ni Go at ng kanyang mga tauhan ang 1,763 residenteng apektado ng patuloy na pandemya sa Brgys. Aundanao, Licup at Tagdaliao.