Advertisers

Advertisers

Robredo may tyansa pa…DISQUALIFICATION VS MARCOS SA KORTE SUPREMA NA!

0 348

Advertisers

SA kabila ng napipintong proklamasyon ni presumptive President Ferdinand “Bongbong” Marcos matapos makakuha ng 31 milyong boto, ay isang petisyon na humihiling na kanselahin ang kanyang Certificate of Candidacy (COC) ang isinampa sa Korte Suprema.

Sa verified petition nina Fr. Christian Buenafe, hiniling nila na kaagad na magpalabas ng temporary restraining order (TRO) ang Korte Suprema upang ipatigil ang pagbibilang ng balota at pigilan ang proklamasyon ni BBM.

Ayon sa mga petitioner, dapat ikansela at ideklarang void ab initio ang COC ni BBM, at ituring na hindi siya naging kandidato.



Sinabi pa ng mga petitioner na hindi maaring palagpasin ang ineligibility ng isang kandidato dahil lamang nanalo siya sa bilang ng boto.

Hindi umano maitatama ng 31 milyong boto ni BBM ang katotohanan na siya ay hindi qualified na tumakbo sa pagka-Pangulo.



Sakaling kanselahin ng Korte Suprema ang COC ni BBM, base sa mga naunang kaso na nadesisyunan, ay ipapatupad ang “rule of the second placer”. Ibig sabihin nito, si Vice President Leni Robredo, na ikalawa sa may pinakamataas na boto ang siyang uupo bilang Pangulo, at hindi si presumptive Vice President Sara Duterte.

Magugunitang ibinasura ng Commission on Elections (COMELEC) ang mga disqualification cases laban kay BBM. (Jonah Mallari)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">