Advertisers
BUKOD sa mga proyektong isinasagawa ng DEPARTMENT OF AGRICULTURE (DA) ay nagsisilbing malaking katulungan din sa FARMERS SECTOR ang DEPARTMENT OF AGRARIAN REFORM (DAR) na bukod sa pangunahing mandatong pamamahagi ng mga lupa sa mga karapatdapat na magbenepisyo ay umaasiste rin sa pangkabuhayan ng mga magsasaka.
Mula sa dating pamumuno noon ni JOHN CASTRICIONES na ipinagpapatuloy naman ngayon ni DAR SECRETARY BERNIE CRUZ ay marami nang mga magsasaka ang napagkalooban ng CERTIFICATE OF LAND OWNERSHIP AWARAD (CLOA) sa iba’t ibang panig ng ating bansa.
Tulad na lamang nitong May 19, ang DAR ay may 1,800.6414 ektarya ng lupa ang naipamahagi sa 1,074 AGRARIAN REFORM BENEFICIARIES (ARBs) sa bahagi ng ZAMBOANGA PENINSULA.., bukod sa mga lupang ipinamahagi ay nagkaloob din ang DAR ng iba’t ibang support services projects na may kabuuang halagang P50.125 milyon.
Ang mga ipinamahaging lupain ay mula sa mga lalawigan ng ZAMBOANGA DEL NORTE, na may 1,123.2973 ektarya; ZAMBOANGA DEL SUR, 274.2169 ektarya; at ZAMBOANGA SIBUGAY, 403.1281 ektarya..,, na ang mga support services project naman ay binubuo ng iba’t ibang infrastructure project gaya ng mga farm to market road at irrigation facility, mga farm machinery, farm input at livelihood trainings.
Ang ZAMBOANGA DEL NORTE ay nakatanggap ng proyektong may kabuuang halaga ng P24.24 milyon; ZAMBOANGA DEL SUR, P19.89 milyon; at ZAMBOANGA SIBUGAY, P6.2 milyon.
Inihayag nitong si ZAMBOANGA PENINSULA DIRECTOR RAMON MADROÑAL JR., na kasama sa ipinamahaging lupa ay ang computerized land titles sa ilalim ng SPLIT (Support to Parcelization of Lands for Individual Titling) Project.., kung saan ay ito ang kauna-unahang pagkakaloob ng computerized land titles.
Kamakailan lang ay Lumagda ng isang MEMORANDUM OF UNDERSTANDING (MoU) nitong Lunes, Mayo 16, 2022, ang DAR at AgriNurture, Inc. (ANI) upang palakasin ang pangkabuhayan ng mga AGRARIAN REFORM BENEFICIARIES ORGANIZATION (ARBO) sa pamamagitan ng digital marketing at mapagbuti ang kanilang management capability.
Ang ANI, ay isang pribadong kumpanya na nakikibahagi sa pag-import at pangangalakal ng mga high-value crops.., kumbaga ay magsisilbing institutional buyer ito ng mga agricultural product ng mga ARBO. Magbibigay din ang kumpanyang ito ng makabagong digital facility kung saan ay tutulungan ang mga ARBO na i-promote at i-market ang kanilang mga produkto gamit ang teknolohiya ng internet.
Sa ilalim ng MoU, ang mga ARBO sa Region III at CALABARZON ang unang beneficiary ng partnership.., mabibigyan ang mga ito ng makabagong digital facility na customized para sa sektor ng agrikultura upang mapadali sa mga magsasaka na maka-agapay sa planong digital transformation ng agricultural industry.
Sa pangunguna ni ANI PRESIDENT ANTONIO TIU ay mabibigyan ang mga magsasaka ng oportunidad para mag-level up ang kanilang output, lalo na ang mga high-value product gaya ng sariwang gulay at prutas.
Inihayag naman ni SUPPORT SERVICES OFFICE UNDERSECRETARY EMILY PADILLA na ang parthership ay mag-aasiste upang mapalaki ang kita ng mga ARBO.., maging mabilis ang pagkonekta sa iba’t ibang mamimili at maseguro ang merkado para sa kanilang ani sa pamamagitan ng mga institutional buyers at consumers.
Ang hirit ngayon ng ARYA ay huwag nang ipairal ang politikahan at sa halip ay magkaisa ang lahat na mapalakas ang pangunahing sektor na AGRIKULTURA.., sa gayon ay mapabilis ang pagbangon ng ating ekonomiya!
***
Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com o magtext lamang sa 09085841303 para sa inyo pong mga panig.