Advertisers

Advertisers

Politikong contractors

0 281

Advertisers

NAPAKARAMING politiko ngayon ang nagsisilbi naring kontraktor ng mga proyekto sa kanilang bayan o lalawigan.

Tulad lamang sa Romblon province, ang gobernador na mismo ang komokontrata ng malalaking proyekto sa lalawigan. Kung hindi man siya ay ang kanyang mga kasabwat na Sangguniang Panlalawigan (SP).

Pati mga mayor ay sila narin ang kontraktor ng mga project sa kanilang bayan. Kung hindi man siya ay ang kadikit nitong Sangguniang Bayan (SB).



Kahit walang lisensiya ang mga ito ay umuupa lang ng permit ng lisensiyadong kontraktor para masunod kahit papaano ang requirements na kailangan sa pagkokontrata.

Dahil sa tindi ng hangaring kumita at wala naman talagang alam sa larangan ng construction, ang mga nagagawa nilang road projects ay substandard. Ilang buwan palang bitak-bitak na o durog na ang semento. Kaya bubungkalin na naman at sesementuhin. Paulit-ulit na pag-repair. Aksaya nga ng pera ng taongbayan.



Ang nakapagtataka rito ay kung papaano ito nakakapasa sa inspection ng DPWH at Commission on Audit (CoA). Posibleng kasabwat din ang mga ito sa mga palpak na proyekto. Mismo!

Dito sa bagong papasok na administrasyong Marcos Jr., magandang magbuo ng presidential task force na titingin sa mga proyekto sa municipal o provincial man. Dahil nga halos lahat ng mga proyektong gawa ng mga kontraktor na politiko ay hilaw – kulang sa kapal, lapad at haba!



Actually, mahigpit na ipinagbabawal sa batas ang incumbent officials na pumasok sa pangongontrata sa govt. projects. Pero ang palusot rito ng mga animal ay ang paggamit ng dummy. Mismo!

***

Maayos na kalsada, binakbak!

Text ng isang concerned citizen: Sir Joey, report ko lang po itong kahabaan ng Recto mula Asuncion hanggang Ilaya (Manila), matino naman bakit binabakbak ang daanan? Wala naman bako. Bakit ‘di nalang patungan ng espalto? Aksaya sa pera ng bayan ang gawa nila. Sana sa mga lalawigan nila gawin yan, sementuhan nila ang mga maputik at bako-bakong daanan para ‘di hirap ang mga nagkakalakal ng kinakain natin sa araw-araw. – 09472265…

Tama ang ating texter. Talagang aksaya ng salapi ang pagsira sa mga maayos na kalsada. Samantalang maraming kalsada na sira, dapat ayusin ang pinababayaan. Animal!

Tulad lamang dito sa Intramuros, harap ng BPI patungong San Juan de Letran College, malalalim ang lubak dito pero hindi manlang tinatambakan. Peste!

***

Hindi ako sang-ayon dito sa mga bamabanat na sa papasok na administrasyong Marcos Jr., na hindi pa naman nagsisimula ng kanilang trabaho.

Masyado pang maaga para batikusin ang BBM government. Sa Hulyo 1 pa ang simula ng kanilang duty sa atin na mga Pinoy. Kaya hintayin muna natin silang makaporma ng at least 100 days kung may magagawa nga ba o wala sa mga kinakaharap na problema ng bansa.

So far ay abala palang si BBM sa pagbuo ng kanyang gabinete na magpapatakbo sa kanyang administrasyon. Hayaan muna natin siyang dumiskarte sa pagbuo ng kanyang economic managers.

Siguro naman ay hindi gagawin ni BBM ang mga naging mali ng kanyang yumaong ama na isang diktador.

Yes! Bigyan muna natin siya ng oras sa pagresolba sa mga problemang iiwanan ng Duterte administration.