Coco napansin ang suot na wedding ring sa burol ni Susan; KathNiel sa Thailand nag-celebrate ng 10th anniversary
Advertisers
Ni JOVI LLOZA
SA ginanap na Eulogy kay Susan Roces ni Coco Martin ay marami ang nakapansin sa kanyang daliri.
May nakita rito na tila may suot na wedding ring si Coco.
Kaya naman napaisip ang mga Maritess kung kasal na ba ito.
Kita naman kasi sa kanyang daliri ang gold wedding ring.
Kadalasan, sa kaliwa ito nilalagay, sign na ikinasal na ang isang tao.
Kung nasa kanang daliri ang wedding ring eh ikakasal pa lang ito.
Pero ang tanong, kung magpapakasal pa lang o ikinasal na si Coco, sino naman kaya ang naging bride?
Well, abangan na lang daw ang pag-amin ni Coco kung ikinasal or ikakasal pa lang dahil sa suspetsang wedding ring na nasa daliri nito.
Ano naman kaya ang say ni Julia Montes dito?
***
NAUNA na nga raw si Kathryn Bernardo sa ibang bansa at doon na lang sila nagkita ni Daniel Padilla.
Ayon kay Daniel, nauna na ang gf sa Thailand at sumunod na lang ang aktor. Sa nasabing bansa nagselebreyt ang KathNiel ng kanilang 10th anniversary bilang magdyowa.
Well, well, well…’Yun na!