Advertisers

Advertisers

Nasibak na kasi…Kim hinahanap ng mga barakong fans sa ‘Bubble Gang’

0 368

Advertisers

Ni GERRY OCAMPO

MARARAMDAMAN ang pagdadalamhati nina Coco Martin at Julia Montes sa pagpanaw ng Queen of Philippine Movies na si Susan Roces.
Matagal nang nakasama nina Coco at Julia si Manay Susan, lalo na ang actor na seven years nakasama sa FPJ‘s Ang Probinsiyano bilang si Lola Flora.
Sa kani-kanilang Instagram account ay marami ang na-touch sa pag-alala at papugay na ibinigay nina Coco at Julia para sa ating Queen of Philippine Movies.
Marami ang naiyak sa post ni Julia na ipinakita ang hand written letters sa kanya ni Manang Inday. Labis ang pasasalamat niya sa caption sa yumaong veteran actress sa mga itinuro sa kanya.
“One of the few handwritten letters from you.
“Hinding-hindi ko po makakalimutan lahat ng kuwento ninyo at advices sa buhay at sa buhay pag-ibig, mga magandang alaala ninyo ni Sir FPJ na binabahagi ninyo bilang aral….mga kuwento na hindi ko akalain bibiyayaan po ko ng pagkakataon na mapakinggan…
“Isa sa di ko rin po makakalimutan pag sinasabi nyong pag may bunga na ang puno ng rambutan ninyo naaalala nyo ko at yung pagkakataong binigyan nyo po ako ng CD na may kantang “Greatest Love of All” sabi ninyo sakin wag na wag kong kakalimutan ang kantang yan… ngayon lalong hinding-hindi ko po yun makakalimutan…
***
Diego mananatili pa rin sa Bubble Gang
Hindi totoong kasama si Diego Lorico sa mga mawawala sa Bubble Gang.
Mananatili pa rin si Diego sa longest running gag show sa telebisyon bilang associate producer.
Pagdating naman kay Myka na halos kasabay ni Diego ay simula raw ng pandemic ay wala na talaga siya sa Bubble Gang.
Ang BG barkada na mapapanood pa rin sa relaunch ng gag show na napapanood sa GMA 7, every Friday at 9:40 pm ay sina Michael V, Paolo Contis, Sef Cadayona, Archie Alemania, Betong Sumaya,Valeen Montenegro, Faye Lorenzo, Analyn Barro, at Chariz Solomon.
Ang mga bagong BG barkada ay sina Tuesday Vargas, Dasuri Choi at Kim de Leon.
Ang siguradong mami-miss sa Bubble Gang ay ang maganda at seksing si Kim Domingo. Hahanap-hanapin ng mga barakong followers ni Kim ang segment nito sa longest running gag show sa TV.