Advertisers

Advertisers

MAINE AT MILES DINENAY NA MAGKAAWAY; BIANCA NIREGALUHAN NG INA NG 5.9M CHEDENG

0 21

Advertisers

Ni Beth Gelena

BAGO ang PBB Big Night ay niregaluhan si Bianca de Vera ng multi-million luxury car ng mga magulang.

Nakatanggap siya ng isang mamahaling Mercedes-Benz luxury van mula sa mga ito bilang regalo bago siya pumunta sa Big Night ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition kung saan lubos na ikinasaya ng aktres.

Sa Instagram Story ng kanyang ina na si Aileen emosyonal ang naging reaksyon ni Bianca habang iniabot sa kanya ang susi ng sasakyan.

Ang mga fans naman ay pinupuno ng mga bulaklak at regalo ang bagong car.

Ayon sa mga tagahanga ang natanggap niyang sasakyan ay isang Mercedes-Benz V-Class V220 d Avantgarde Extra Long na tinatayang halagang ?5.9 milyon, na kilala bilang isa sa mga pinakasosyal at kumportableng modelo ng luxury van.

Ang aktres ay masayang nagpasalamat sa kanyang pamilya at mga tagasuporta, at sinabing isang malaking biyaya ang pagmamahal na kanyang natanggap mula sa kanila, kasabay ng pagbabahagi ng inspirasyon na natamo niya mula sa PBB journey niya.

Tila naging big winner na agad si Bianca kahit bago pa man umabot sa Big Night ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition.

Agad na niyakap ni Bianca ang ina at nagpasalamat sa sorpresa.

“Blessings talaga mommy sila,” ang tanging nasabi ni Bianca.

Naging usap-usapan din sa social media ang pagiging supportive ng mga magulang ni Bianca, na parehong matagumpay sa kani-kanilang larangan.

Si Mommy Aileen ay isang importer na konektado rin sa fashion industry, habang ang ama niyang si Mon ay nasa industriya ng life safety systems at isang kilalang racecar driver.

Hindi ito ang unang pagkakataon na naging highlight ang sasakyan sa buhay ni Bianca. Matatandaang nag-viral ang isang insidente kung saan hindi niya napigilang maiyak habang nasa loob ng na-tow na sasakyan.

***

PINABULAANAN nina Maine Mendoza at Miles Ocampo na may namumuong sigalot sa.kanilang dalawa

Nagsama ang dalawang female hosts ng Eat Bulaga kamakailan sa isang segment ng noontime show.

Komento ng netizens: “MO needs to play nice ?? ?? ?? She knows who is the favorite ?? ?? ??”

“Sus. May proof ka ba na may rift sila?eme ka.”

“Ang hirap kay Miles porke ka-close nya feeling nya ka-level na nya. Maine just put her in her place”

“That’s what being professional is. Kahit naman sa office minsan isinusuka mo na yung kasama mo pero you need to work together pa din.”

“Sus gimmick lang yan para umingay yung show. Hindi na ba kayo nasanay sa Pinoy showbiz.”