Advertisers
NAIPAPANALO ng libangang ito ang mga politikong mahilig dito, dahil halos, sa tantiya ko ay 25 porsiyento ng populasyon ng ating mga kalalakihan sa bansa ay nasa libangang ito.
Sabong, ang maituturing nating pambansang libangan ng napakaraming Pilipino. Nag-aalaga man para kumita o’ yaong nasa breeding level, o’ kaya nama’y nag-aalaga upang ipanglaban ang kanilang mga manok. Ang mga nasa libangang ito ay di rin biro, kung salapi ang ating pag-uusapan.
Sinaunang panahon pa ay nakatatak na ito sa ating kultura at kaugalian. Marami na ring sinirang tahanan ang libangang ito gaya ng sabi ng isang kanta.
Sa kasalukuyan, may kumakanta na rin tungkol sa libangang ito. Isinisiwalat ang pagkawala ng napakaraming sabungero mga ilan taon na rin ang nakraraan. Nauugnay dito ang pangalan nila Atong Ang ang Gretchen Barretto.
Ikinanta ng dating close-in security at itinuturing daw na “anak” ni Atong Ang, na si Julie “Dondon” Patidongan, alyas Totoy, ang kontrobersiyang nasa likod ng pagkawala ng mga sabungero ang dating magkasintahan.
Bumuwelta na rin si Ang at sinasabing nsgsisinungaling lamang si Totoy, at kinikikilan lamang siya ng pera.
Malalim ang kasong ito, dahil may lumalabas ding usapin, na kaya di pa makita ang mga nawawalang mga sabungero, ay nasa ilalim na ang mga bangkay nito ng karagatan sa bulkang Taal sa Batangas.
Singlalim ng kasong ito ang kanilang kinalalagyan, at pihado akong madami pang pangalan ang maiiuugnay sa kobtrobersiya, katulad ng mga kilalang personalidad diyan sa Quezon City. Taga-riyan daw ang gumawa ng “online app” ng e-sabong ni Atong.
Singlalim na rin ng pambansang libangan ito ang sapantaha ng lahat na magtatapos ang batuhan ng putik na dito, sa wala. Dahil naniniwala rin ako na mauuwi ito sa wala, dahil kakalat ang perang kinita rito ng nga sangkot sa pagkakawala ng mga sabungero, na pinaghinalaang nandaya, noong kasagsagan ng e-sabong.
Sa angulo pa lang na iyan, ay sigurado ako, na ‘gets’ niyo, kung paano nawala ang mga sabungerong hanggang sa ngayon ay di matagpo-tagpuan. Makita man o’ hindi, sigurado pa rin ako, na di mawawala ang pangbansang libangan na iyan.