Advertisers

Advertisers

Vice Ganda tinabangan na mag-judge sa ‘Idol Phils’ dahil ‘di natuloy si Sarah

0 422

Advertisers

Ni ARCHIE LIAO

SA vlog ng talent manager turned vlogger na si Ogie Diaz, nakatakda raw sanang bumalik sa second season ng Idol Philippines bilang isa sa mga hurado ang “It’s Showtime” host na si Vice Ganda.
Katunayan, excited na raw ito na bumalik sa nasabing singing talent reality show pero ang lahat daw ay nagbago dahil sa ilang pagbabago sa line of judges ng nasabing franchise show.
“Si Vice, dapat talaga nasa season 2 siya. Nuong nabalitaan niya na si Sarah Geronimo, si Regine Velasquez at siya ang uupo bilang mga hurado. E kasi sabi ni Vice, gusto niyang makatrabaho si Sarah… Excited siya to work with Sarah. Kasi yun ang parang nagpapaangat ng pwet niya, nagpapa-excite sa kanya para maging hurado ulit,” pagbabahagi ni Ogie.
“Tapos e sabi ni Vice, biglang nawala si Sarah siyempre parang nabawasan yung excitement ni Vice nung hindi na nga pumwede si Sarah. E alam mo naman si Vice kung kilala mo si Vice, alam mo naman yan parang hindi mapakali ang pwet niyan, nae-excite siya sa isang gagawin niya, so parang hindi siya na-excite,” pahabol niya.
Gayunpaman, nilinaw naman ng talent manager-turned vlogger na hindi replacement ni Vice ang “Parokya ni Edgar” frontman na si Chito Miranda bagkus ang komedyante pa nga raw ang nagrekomenda rito para makapasok bilang isa sa mga miyembro ng inampalan ng nabanggit na talent show.
“Hiningan siya ng suggestion kung sino ang pwede at nai-suggest niya si Chito Miranda ng Parokya ni Edgar para raw may masa appeal, kapit pa rin sa masa,” paliwanag niya.
Pero gaano katotoo ang tweet ng isang birdie na tinanggihan din ni Sarah G ang mapabilang sa nasabing reality show kaya hindi ito natuloy sa second season ng Idol Philippines bilang hurado?
Sina Vice Ganda, Regine Velasquez, Moira dela Torre at James Reid ang mga orihinal na hurado sa unang season ng Idol Philippines.
Sa second season, sina Regine at Moira lamang ang na-retain.
Pinalitan sina Vice at James nina Gary Valenciano at Chito Miranda ng bandang Parokya ni Edgar.
Tungkol naman sa tsikang hindi na magre-renew ng kontrata sa ABS-CBN si Vice, kung totoo man daw ito ay naiintindihan niya ang situwasyon ng kanyang kaibigan.
Dumating na rin daw kasi sa punto ang unkabogable star na ang gusto na lang gawin ay iyong mga shows na nagbibigay sa kanya ng sense of fulfillment.
Kumbaga, hindi raw naman lahat ay tungkol sa pecuniary consideration, kundi usapin ito kung talagang gusto niyang gawin ang isang project tulad ng “It’s Showtime” na sobrang mahal sa TV host.
Ilang taon na rin daw itong walang kontrata sa ABS-CBN at so far, okey naman ang set up niya sa management sa kanyang show na hindi na kailangang matali pa.
Besides dahil daw sa bagong partnership ng ABS-CBN, TV-5 at GMA-7, napapanood na rin daw naman si Vice particularly ang kanyang Star Cinema movies sa Kapuso network at TV show sa Kapatid station.