Advertisers
Nagpalabas ng ‘urgent memorandum’ ang Commission on Election (Comelec) Intramuros, Manila, nitong Mayo 26, 2022 para sa mga Provincial Election Supervisors ng Pampanga, Sultan Kudarat, Surigao del Sur, Sulu at Cagayan de Oro.
Kabilang din ang mga election officers ng Mandaluyong at Maynila.
Nais ng Comelec na pagpapaliwanagin ang mga naturang opisyales kung bakit hindi naipadala ng kumpleto ang mga Certificate of Canvass (CoC) sa naganap na Canvassing sa isinagawang public session sa senado at House of Representative.
Napag-alaman na ang mga ballot boxes sa mga nasabing probinsiya at lungsod walang kasamang mga CoC.
Ang pagkukulang na ito naging isang malaking katanungan sa propesyunalismo ng Comelec.
Hinihiling ni Comelec Chairman Saidamen B. Pangarungan na sagutin ang nasabing memorandum sa loob ng apatnaput-walong (48) oras kung bakit hindi sila nararapat bigyan ng ‘disciplinary action’ o kaukulang parusa.
Matatandaan na kamakailan may kumalat sa social media na may natagpuang mga ibinasurang training ballots ng Maynila sa Amadeo, Cavite.
Naging malaking palaisipan ito sa mamanayan kung bakit napadpad ang mga nasabing training ballots sa naturang lugar.