Advertisers

Advertisers

ANG AGA NG PROMO NG MMFF ENTRY NI VICE

0 11

Advertisers

Ni Timmy Basil

JULY pa lang pero nakikita na sa social media ang movie ni Vice Ganda for Metro Manila Film Festival na may pamagat na Call Me Mother with Nadine Lustre.

Opens in December 25, 2025 ito, napaaga ng promo.

In fairness , seryoso ang title unlike sa mga naunang titles ng pelikula ni Vice like Sisterakas, Boy, Girl, Bakla, Tomboy etc na title pa lang ay halatang comedy na.

But knowing Vice, di siya makakapayag na puro drama lang ang Call Me Mother, tiyak may comedy din uto.

Ang tanong, kasama kaya dito ang mga “KAIBIGAN” ni Vice na sina Lassy at MC na siyang mga lucky charm niya? Wala kasi ang names nila sa poster, bukod tanging sI Nadine lang ang nakalagay.

Naku, malalaman natin iyan pagdating ng MMFF 2025 kung mag no number 1 pa rin ang movie ni Vice.

***

GRABE ang nga fans no? Talagang nagma matter sila. Gusto nilang mag collab sina Mhack Morales ng Magic Voyz at Analyn Bataller na mas kilala bilang Analeng Lang Malakas.

Aware SI Mack sa existence ni Analyn sa social media in fact, sabi niya “Wala pang anak SI Analyn, napapanood ko na siya”.

At agad namang nabuo ang hashtag na #MackLyn, at nag aabang na ang mga fans sa unang collab nila.

Parehong busy pa ngayon ang dalawa, may mga movies SI Mhack sa VMX at busy din sa rehearsals para sa concert ng Magic Voyz with Elias TV and Cebuana Twins sa Water World sa Cebu City this coming August 23 at si Analyn naman ay busy sa pag join niya sa isang segment sa It’s Showtime at mga charity ng Jovan David Production kaya mahirap magtugma ang kanilang schedule pero gaya ng kasabihan noon sa Aldub, darating ang Takdang Panahon para sa kanila.

Shout-out sa #Mhacklyn at sa mga Mommies ni Analyn Bataller.