Advertisers
Ni BLESSIE K. CIRERA
SOBRANG saya ng Outstanding International Female Performer na si Rozz Daniels dahil natupad na ang pangarap niya na mai-record ang mga kanta para sa ilalabas niyang CD sa ilalim ng Viva Records, sa isang recording company sa Los Angeles, California.
Wish granted nga ito para kay Rozz lalo pa’t halos sumabay ito sa kanyang birthday ngayong May 26.
“Cheers >B I am very happy and grateful; that we finished our mission in just 4 hours of recording 4 songs at Hush Recording Studio here in LA yesterday,” masayang tsika ni Rozz.
Nakatutuwa rin na nai-record ni Rozz ang apat na kanta sa loob lang ng apat na oras.
Sey pa ni Rozz, hindi anya siya masyadong nahirapan sa recording dahil kasama niya ang kanyang composer at mentor, ang OPM Icon na si Ivy Violan.
Ang apat na kanta na maluwalhating nairaos na irecord ni Rozz ay ang mga sumusunod: “Bakit”, “Song For Love”; Pieces of Heart” – pawang kinompos ni Ivy, ang revival ng Visayan song na “Usahay” at ang Tagalog version ng Hopelessly Devoted to You na may pamagat na “Alay Sa Yo.”
“Thank you everyone for the help and support Thank you to my manager Mother Grace Figues Thank you BahayniONEartists. Thank you One ONE Production HOUSE. Thank you Colby Dela Calzada – our musical director; Thank you Gigi Arcay – our arranger. Thank you Hush Recording Studio. Thank you Viva Records
“Thank you to my coach, my mentor, my composer and my friend Ate Ivy Violan
“Thank you to all my friends and my loves whose always there to support me and cheering me on!
“Thank you to my husband David Daniels to all his 101% support on my career.
“And of course thank you God for everything that you’ve given me =Od’,” pahayag pa ng Soft Rock Diva.
Kaya nga masayang umuwi pabalik ng Wisconsin, USA si Rozz para ipagdiwang ang kanyang kaarawan kasama ang kanyang pamilya at bitbit ang tagumpay na nairecord na niya ang mga nasabing awitin.
Ngayon pa lang ay excited na si Rozz na i-promote ang kanyang mga awitin sa mga show, sa Pinas man o sa ibang bansa, kasama na sa kanyang weekly KUMU show na The Rocks & Rozz Show kasama sina Ms. Irelyn Arana, Jerome Sang, Harold Evangelista, Derf Dwayne, Jerome Torregosa at ang inyong lingkod.
Muli, congrats at happy birthday, Rozz Daniels!