Advertisers
Ni BETH GELENA
ANG dating skinhead na si Derek Ramsay ay may hair na ngayon.
Pero mukhang hindi bagay sa hunk actor ang may buhok.
Sa Instagram ng misis niyang si Ellen Adarna ay may posted photo siya kasama ang mister.
May hair na si Derek pero pakiwari namin ay parang wig lang ito.
May nagkomento sa posted photo, “ay bakit ganyan na ang looks ni Derek hehehe”
Sumagot ang seksing Bisaya aktres, “din ang looks mo? Hehehe”
Sey ng mga netizen, “Haha natawa ako sa comeback ni Adarna! Atleast sila mayaman eh si basher kaya?”
“ang chaka ni derek. anyare? nawala appeal niya pag may buhok hahaha”
“Nagmumukhang manong sa kanto na c Derek. Lol”
“Ewan ko ba ba’t naaalala ko yung controversial mayor sanchez sa buhok ni derek”
Hahaha, mukha nga!!!
***
GMA7 NALULA SA BUDGET NA HINIHINGI NI MATTEO, ‘ BINARIL’
HOW true na ‘binaril’ umano ang pinitch na programa ni Matteo Guidicelli sa GMA-7?
Ang laki raw kasi ng budget na hinihingi ni Matteo.
Shocked ang mga taga-Kapuso network sa laki ng budget sa ipinitch na programa ni Matteo kaya hindi na raw ito ipinarating sa top management.
Maganda naman daw ang nilatag na konsepto ng actor-singer ‘yun nga lang daw hindi kakayanin ng budget.
May nagtsika naman sa amin na baka raw kasama sa nasabing package ang talent fee ng misis ni Matteo na si Sarah Geronimo.
Ang isa pang sitsit na nakarating sa amin, sisibakin na umano ang Mars show nina Camille Prats at Iya Villania.
Isang variety show daw ang ipapalit sa programa na ang mga host ay sina Pokwang at Rabiya Mateo.
***
ROBIN SINUNDAN ANG MAG-IINA SA SPAIN
SUMUNOD si Senador-actor Robin Padilla sa kanyang mag-iina — Mariel, Isabel at Gabriela — sa Spain.
Pinost ni Mariel sa kanyang Instagram account ang larawan nilang apat at may caption na “Hola we are complete.”
Naunang umalis patungong Spain si Mariel at ang dalawang anak nila ni Binoe after na makaboto ang celebrity live seller queen nung May 9.
Kaya nang iproklama nang ganap si Robin ay wala sa tabi ang kanyang misis.
Sinabi naman ni Binoe na talagang magbabakasyon silang mag-anak sa Spain.
Yun nga lang hindi siya nakasabay sa kanyang mag-iina dahil umaarangkada na ang bilangan na sa umpisa pa lang ng counting ay nangunguna na ang aktor.
“Landslide victory senator. Success is for those with good heart. Enjoy your vacay.”
“Ano ba kayo sabi daw ni Robin may dugong Spanish daw sila.”
“Meron naman talaga.. ano nakakatawa dun?”
Tanong naman ng isang commenter, “Mabibigyan na kaya ng US Visa si Robin ngayong senator na siya? Ilang beses na siyang nag apply before, laging denied because of his previous conviction.”
“Nope! America doesn’t kiss ass to a certain Robin. He’s a nobody when it comes to visa application”
“Sorry Robin, you can’t join them sa USA, kaya Spain na lang”
***
JULIA NABIGLA NANG BANGGITIN SA VLOG NI ALEX SI BEA
GUEST ni Alex Gonzaga sa kanyang YouTube Channel si Julia Barretto.
Ang title ng kanilang collaboration vlog ay Ukay Challenge.
Pakiwari ni Alex ay jologs ang girlfriend ni Gerald Anderson kaya nag-ukay ukay challenge ang dalawang female celebrity.
Sa video ay namimili ng mga damit na bibilhin sina Alex at Julia.
Seryosong namimili sila nang pukawin ni Alex ang atensyon nito.
Nagbiro si Aåex, “Naalala namin yung nag-shampoo commercial ka di ba? Tsaka nakita ko, suot ‘to ni Bea… Binene. Sa GMA.”
Nabigla si Julia sa sinabi ng actress-vlogger sa binanggit na name nito.
Yumuko lang si Julia habang natatawa sa hindi inaasahang sinabi ni Alex.
Hindi niya akalaing babanggitin ni Alex ang pangalan ni Bea na binitin pa niya saka sinundan ng Binene.
Knowing naman nito na may issue sila ni Bea Alonzo.