Advertisers

Advertisers

DISKARTENG PRESYO NI USEC RANQUE!

0 1,595

Advertisers

KUNG ayaw, maraming dahilan.., pero, kung gusto may pamamaraan na siyang kuwento ng isang mahusay na opisyal sa gobyerno.

Kamakailan, sa isang pulong balitaan, ay tinalakay ng isang ENERGY OFFICIAL ang kinasasadlakang dusa na dulot ng mataas na buwanang singil sa konsumo ng kuryente.., at ang walang humpay na pagpapataw ng dagdag-presyo ng mga produktong petrolyo.

Ayon kay UNDERSECRETARY BENITO RANQUE ay kayang kaya naman palang pababain ora mismo ang presyo ng langis hanggang P3.26 kada litro at buwanang singil sa kuryente ng mga pobreng Pilipino.., na hindi kailangang suspendihin ang excise at value-added tax na ipinapataw ng gobyerno.



Sa totoo lang.., sadyang mahalaga ang bawat sentimo ng buwis na nalilikom ng pamahalaan mula sa sektor ng enerhiya, lalo pa’t nahaharap ang bansa sa matinding pagsubok sa gitna ng krisis sa langis.., dagdag pa ang patuloy na banta ng pandemya.

Sa pagtataya ni USEC. RANQUE, posibleng matabasan agad ng P3.26 ang presyo kada litro ng gasolina at P1.40 naman sa krudo kung didinggin ng KONGRESO ang kanyang panawagang pagbalangkas ng isang HOUSE RESOLUTION na magbibigay daan sa SUSPENSIYON ng BIOFUELS ACT of 2006 na nagtatakda ng ‘additives’ sa mga produktong-petrolyo.

Aniya, dagdag pasakit lang sa mga sektor ng public transportation at mga industriyang nagbibigay empleyo ang bio-ethanol na inihahalo sa mga produktong petrolyo sa merkado.

Sa pagsasaliksik ay lumalabas na hindi naman pala kailangan ng mga pampasaherong jeep at bus ang additive na ginagamit lang para itaas ang antas ng road performance ng mga “HIGH-END CARS” o yaong mga sasakyan na kayang bilhin ng mga sobra-sobra na ang pera.

“Those additives should be made an option. Hindi naman talaga kailangan ng mga pampasaherong dyip at bus ang additives. Those additives are meant to induce performance ng mga mamahaling sasakyan,” ani Ranque.

Sa usapin ng mataas na buwanang singil sa kuryente.., hinikayat ni RANQUE ang susunod na administrasyon na palawakin ang mekanismo ng lifeline subsidy sa P800 mula sa kasalukuyang P400 para sa mga konsyumer na kumokonsumo ng 100 kilowatts kada buwan.



Eh sino lang ba ang may ganung konsumo? Hindi ba yung mga pobreng Pilipinong walang aircon, refrigerator at mga appliances sa bahay?

Mga ka-ARYA.., hindi ko personal na kilala at ni hindi ko pa nakaharap itong si USEC. RANQUE.., pero sa dalawang pumupustura na sina CONGRESSMAN MIKEY ARROYO na anak ng FORMER PRESIDENT at si ENERGY REGULATORY COMMISSION CHIEF AGNES DEVANADERA na sagana lang sa dada.., e mukhang si RANQUE na ang tamang taong dapat italaga ni PRESIDENT-ELECT FERDINAND “BONGBONG” MARCOS JR bilang SECRETARY ng DEPARTMENT OF ENERGY (DOE)!

***

Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa [email protected] o magtext lamang sa 09085841303 para sa inyo pong mga panig.