Advertisers

Advertisers

Babae nangholdap ng convenience store

0 286

Advertisers

KULONG ang isang babaeng holdaper nang looban ang convenience store nitong Sabado sa Biñan, Laguna.

Kinilala ang nadakip na si Celeste Mercado, 44 anyos, residente ng nasabing lugar.

Sa report ng Biñan Police Station 2, Sabado ng gabi nang pasukin ni Mercado ang convenience store saka nagpaputok at nagdeklara ng holdap.



Sa kuha ng CCTV footage, nakasuot si Marcado ng facemask at lumapit sa kahera saka iniabot ang plastic bag at pinalagay ang pera mula sa kaha.

Hindi agad tumalima ang kahera kaya muling nagpaputok ang holdaper at nang makuha na nito ang pera saka mabilis na tumakbo palabas ng convenience store.

Sinundan naman ng mga tauhan ng convenience store ang holdaper at nagsisigaw ng holdap kaya nakorner na ito ng taumbayan.

Sa himpilan ng pulisya, nakuha sa holdaper ang .38 caliber revolver na may bala, P12,000, at papel na may nakasulat na “Wag sisigaw o susumbong kung ayaw mong ipaubos mo ang pamilya mo sa mafia.”

Depensa ni Mercado may sakit ang anak niya kaya nagawa ang krimen at sinabing kinuha lamang niya ang baril sa isang security guard na natutulog.



Kasalukuyan nakakulong sa Biñan Police Station 2 si Mercado na nahaharap sa kasong robbery at election gun ban.