Advertisers
PATAY ang isang barangay kapitan nang barilin ng riding in tandem nitong Sabado sa Barangay Elizabeth, Leyte.
Ayon sa Police Regional Office 8, inihinto ng kapitan ng Barangay Tigbawan na si Romeo Cañas ang minamanehong motorsiklo habang paakyat sa isang tulay para makadaan ang mga kasalubong na sasakyan.
Habang nagkahinto ang motorsiklo ng kapitan, bigla itong binaril ng kasunod na hindi pa nakikilalang riding-in-tandem.
Sinubukan pang maisalba ang buhay ng kapitan pero idineklara itong dead on arrival sa hospital.
Dagdag pa ng PRO-8, nang magsagawa ng crime scene investigation ang pulisya, walang nahanap na kahit anong ebidensya gaya ng empty shells o bala.
Sa imbestigasyon ng pulisya, ang gunman ay tinatayang 5′ 0 ang tangkad at kayumanggi ang kulay ng balat, habang wala pang nakukuhang pagsasalarawan sa kasama nitong salarin.