Advertisers

Advertisers

ILANG SENADOR AYAW PUMIRMA SA PHARMALLY SCAM

0 276

Advertisers

HINDI pumirma sina Senators Juan Miguel Zubiri, Sherwin “Win” Gatchalian at Imee Marcos sa draft report na inilabas ni Blue Ribbon Committee Chairman Senator Richard Gordon ukol sa Pharmally controversy.

Sinabi ni Zubiri, hindi siya lumagda dahil isinama si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga inirekomendang sampahan ng plunder o pandarambong.

Giit ni Zubiri, walang anumang ebidensya na lumitaw sa 18 pagdinig ng Senado na direktang nagsasangkot kay Pangulong Duterte sa umano’y maanomalyang transaksyon ng pamahalaan sa Pharmally Pharmaceutical Corporation.



Hindi sapat para kina Zubiri at Gatchalian na pakasuhan si Pangulong Duterte dahil lang sa konektado sa kaniya ang ilang sangkot sa kontrobersya.

Ikinagulat din ito ni Senador Imee Marcos dahil wala naman silang natalakay sa pagdinig at walang lumitaw na ebidensya ukol sa umano’y pagtataksil ni Pangulong Duterte sa tiwala ng bayan.

Ani Marcos, masyadong maraming konklusyon sa draft report na hindi naman suportado ng mga nakalap nilang ebidensya.