Advertisers

Advertisers

May-ari ng SUV sumagasa sa sekyu kinasuhan na

0 411

Advertisers

Sinampahan na ng Philippine National Police ng mga kaso ang may-ari ng SUV na bumangga at sumagasa sa isang security guard sa Mandaluyong City.

Ayon kay PNP spokesperson Col. Jean Fajardo, kinasuhan ng Madaluyong Police Station ng kasong frustrated at paglabag sa Article 275 ng Revised Penal Code si Jose Antonio San Vicente Sr. na nakarehistrong may-ari ng Toyota RAV 4 mayplakang NCO 3781.

“Frustrated murder dahil may deliberate attempt na saktan at sagasaan ‘yung ating security guard. Kung hindi nga nadala kaagad sa ospital, maaaring nagtamo pa ng mas matinding injury ‘yung biktima and at the same time another case of violation ng Article 275 of the RPC, ‘yung tinatawag nating abandonment,” sinabi ni Fajardo.



Ipinaliwanag ni Fajardo ang paghaharap ng kaso laban sa may ari ng sasakyan base sa legal concept na kapag ang isang rehistradong owner ‘yung sasakayan niya na-involve sa aksidente na itinuturing na siya ang driver ng sasakyan.

“Ngayon ‘yung sinabi nung registered owner na hindi siya yung nagdadrive, it’s a matter of defense at bibigyan naman siya ng pagkakataon na sagutin yung reklamo laban sa kanya,” dagdag ni Fajardo.



Nilinaw naman ni Fajardo na wala pang natatangap na surrender feeler mula sa may-ari ng sasakyan at tangi ang abogado lang nito ang natungo sa Police Station na nangakong haharapin kasong isinamapa sa kanya at gumagawa ng paraan upang makontak ang pamilya ng biktima upang mag-offer tulong sa hospital expenses ng biktima na kasalukuyang nasa ICU pa.

Samantala, isinaad ni Fajardo na pinag-aaralan na rin ng PNP ang paghaharap ng kasong obstruction of justice laban sa mga security guard ng subdivision matapos na papasukin ang mga pulis na magsasagawa ng follow up operation.



Magugunita na nag-viral sa social media ang video ng pagsagasa ng SUV sa security guard na nag-aayos ng trapiko sa malapit sa isang mall sa Mandaluyong City.

Sa video makikita na binanģga at bumagsak at sinagasaan ng SUV sa katawan ang biktima si Christian Floralde.

Kasalukuyang naka-confined si Floralde sa isang hospital sanhi ng tinamong pinsala sa katawan.(Mark Obleada)