Advertisers

Advertisers

RED NOTICE VS ZALDY CO

0 14

Advertisers

SINABI ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na mai-lalabas ngayong linggo o sa sunod na linggo ang Interpol ‘Red Notice’ laban sa dating mambabatas na si Zaldy Co, ayon kay Interior Secretary Jonvic Remulla nitong Martes.
Ayon kay Remulla, nasa Portugal si Co. Nauna nang inilabas ang isang Interpol blue notice laban sa kanya Nobyembre 2025.
Ayon sa Interpol, ang blue notice ay ginagamit upang mangalap ng karagdagang impormasyon tungkol sa pagkakakilanlan, lokasyon, o aktibidad ng isang tao kaugnay ng isang criminal investigation.
Ang red notice ay kahili-ngan sa mga law enforcement agency sa buong mundo na hanapin at pansamantalang arestuhin ang isang indibi-dwal habang hinihintay ang extradition, surrender, o iba pang katulad na legal na pro-seso.
Nauna nang naglabas ng arrest warrants laban kay Co at sa 17 iba pa, kabilang ang mga opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) at mga direktor ng Sunwest Corp., kaugnay ng maanomalyang mga proyekto sa flood control.
Naghain din ang Office of the Ombudsman sa Sandiganbayan ng mga kasong corruption at malversation of public funds laban kay Co at sa iba pa kaugnay ng sinasabing maanomalyang P289 milyong flood control project sa Oriental Mindoro.
Ayon sa mga government prosecutor, substandard ang sinasabing hindi umiiral na flood control project na itinayo ng Sunwest Corporation, kumpanyang pag-aari ng mga agarang kapamilya ni Co.
Sa pahayag ng Ombudsman, sinabi nito “The Office of the Ombudsman welcomes the issuance of warrants of arrest against Zaldy Co and the 17 other accused in the corruption cases filed before the Sandiganbayan last Tuesday.”