Advertisers
ARESTADO sa joint buy bust operation ng mga opera-tiba ng Philippine Drug Enforcement Ageny-Regional Office National Capital Region (PDEA RO-NCR) at PNP Drug Enforcement Group – Special Operation Unit NCR ang tatlong bigtime drug dealers sa Barangay Payatas, Quezon City nitong Lunes, Abril 6.
Amg mga naaresto ay kinilalang sina alyas “Ariel”, ng datu Piang, Maguindanao; alyas “Edurad”, 38, ng Calabanga, Camarines Sur; at alyas “Ibrahim”, 45, ng Sultan Kudarat, Maguindanao.
Nakuha mula sa kanilang posisyon ang kabuuang pitong (7) yellow foil packs na may label na DAGUANYIN na naglalaman ng shabu, na may kabuuang timbang na humigit-kumulang 7,000 gramo.
Ang mga nasamsam na droga ay nagkakahalaga ng P47.6 milyon.
Narekober din sa opera-syon ang P1,000 bill na buy bust money, 3 identification cards, 2 mobile phones, at isang sasakyan.(Alex Mendoza)