Advertisers

Advertisers

Policewoman inireklamo ang PD ng PNP Batangas

0 71

Advertisers

IPINAHAYAG ni CALABARZON PRO 4A Regional Director, Brigadier General Hansel M. Marantan, ang buong suporta sa isinasagawang imbestigasyon ng National Police Commission (NAPOLCOM) kaugnay sa isinampang reklamong admi-nistratibo ng isang policewoman laban sa direktor ng Batangas Police Provincial Office.
Sa sinumpaang salaysay ng policewoman sa opisina ni Napolcom Commissioner Rafael Vicente Calinisan, kanyang inireklamo si Colonel Marlon Ventura Rufo ng ‘grave misconduct’ at ‘unbecoming police officer’ kabilang ang híndi kanais-nais na paghawak at hindi angkop na pahayag na nangyari sa pagitan ng buwan ng February hanggang March 2026.
Dahil sa nasabing alegasyon, agad ipinag-utos ni General Marantan ang imbistigasyon at isinangguni ang kaso sa Napolcom, ang may hurisdiksyon na nga-yon sa kaso.
Pansamantalang inilagay sa kaukulang status ang inirereklamong opisyal habang nagpapa-tuloy ang imbestigasyon para mapanatili ang integridad ng proseso.
Nangako ang NAPOLCOM na idadaan sa due process ang kaso at paiiralin ang pagiging patas sa magkabilang panig, lalo na sa mga kasong may kinalaman sa kababaihan.
(Koi Laura)