Advertisers

Advertisers

Nakaparadang trak sa QC, sinipsipan ng krudo

0 10

Advertisers

KASALUKUYANG tinutugis ang driver ng isang pulang Mitsubishi Mirage sedan nang makunan ng footages CCTV na nagna-nakaw ng diesel mula sa isang elf truck na nakaparada sa harapan ng isang bahay sa Barangay Fairview, Quezon City.
Ayon sa ulat ng National Capital Region Police Office (NCRPO), naganap ang insidente madaling-araw ng Marso 31.
Tumabi ang nasabing sedan sa truck at puwersahang binuksan ang takip ng tangke nito.
Batay sa imbestigasyon, tinatayang 60 litro ng diesel ang nasipsip mula sa truck, na may kabuuang halagang aabot sa P7,080.
Kinilala lamang ang biktima sa alyas na “Ian”, 28-anyos, negosyante.
Ang insidenteng ito ay naganap sa gitna ng nararanasang krisis sa suplay ng langis bunsod ng patuloy na tensiyon sa Middle East.