Advertisers
HINDI inaasahan ng Department of Energy o DOE ang kasinglaking pagtaas ng presyo ng langis na naranasan noong Marso, ngunit hindi rin nito nakikitang babalik sa pre-war levels ang presyo ng fuel bago matapos ang taon.
Pahayag ni Energy Secretary Sharon Garin, maaaring tumaas ng mahigit P4 kada litro ang gasolina, mahigit P8 ang diesel at hindi bababa sa P6 ang kerosene ngayong linggo.
Gayunman, sinabi ni Garin na hindi inaasahang aabot muli sa P20, P30 o P40 kada litro ang lingguhang dagdag-presyo gaya noong kasagsagan ng tensyon sa Middle East noong Marso at Abril.
Aniya, nananatiling volatile ang international oil market dahil sa nagpapatuloy na kaguluhan sa Middle East, habang nakadaragdag din sa presyo ang mataas na halaga ng dolyar.
Ayon pa sa kalihim na posibleng manatiling mataas ang presyo ng langis hanggang Pasko, maliban na lamang kung magkaroon ng kasunduang pangkapayapaan ang mga bansang sangkot sa sigalot.